'Wag umasa sa bukid (2) | Bandera

‘Wag umasa sa bukid (2)

Joseph Greenfield - April 27, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay E.S., ng Barangay Burgos, Dapitan City
Problema:
1.      Ang akala ko, kapag nag-asawa na ako, giginhawa na ang buhay ko.  Pero, higit at labis na paghihirap ang dinaranas ko ngayon, na dapat ay may katuwang na ako sa buhay.  Imbes na tahimik na ang buhay ko ay magulo pa.  Malaki ang pagkakaiba noong ako’y dalaga pa.
2.    Todo-suporta ang mga magulang ko at kumakain lamang ako ng lugaw kapag ako ay may sakit.  Ngayon, madalas na kaming naglulugaw.  Umaasa lang ang asawa ko sa ipagagawa sa bukid, at kung wala naman ay wala ring kita.  Apat ang anak namin.  Giginhawa pa ba ang buhay ko? Kailan? Payuhan mo kami kung paano makaaahon sa kahirapan.
Umaasa,
E.S., ng Barangay Burgos, Dapitan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 1.) ang nagsasabing ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan upang makaahon kayo sa kahirapan, at magagawa mo kung tulad ng nasabi sa Palmistry at Cartomancy, mag-aplay ka sa abroad!
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing lakas ng loob ang formula upang makaahon sa kahirapan, kung sa susunod na taon ay mag-aplay ka na sa abroad, sa nasabi ding taon, makakalipad ka patungong ibang bnasa.
Luscher Color Test:
Ang isa pang formula upang makaahon kayo sa kahirapan, sa pag-aaplay sa abroad at gayon din kapag nasa abroad ka na, lagi kang magsuot ng kulay na dilaw at pula. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, gagaang ang pasok ng pera, uunlad ka at yayaman.
Huling payo at paalala:
E.S., kapag nagawa mo ang simpleng rekomendasyon sa itaas, ang pag-aaplay sa abroad at pagsusuot ng suwerte mong kulay, magugulat ka sa magiging resulta, ayon sa iyong kapalaran sa susunod na taon, makapag-aabroad ka at sa sandaling nasa ibayong dagat ka na, magiging mabilis  ang inyong pag-asenso, ang pag-ahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending