HK credit inagaw kay Erap | Bandera

HK credit inagaw kay Erap

Ramon Tulfo - April 26, 2014 - 03:00 AM

INAANGKIN ng Malakanyang ang papuri sa pagbabalik ng magandang samahan ng Pili-pinas at Hong Kong ma-tapos na masira ito dahil sa palpak na rescue sa Luneta hostage incident.

Sinabi ni Cabinet Secretary Rene Almendras na pinadala siya ng Pangulong Noy sa Hong Kong upang aluin ang mga biktima ng komikong hostage rescue na naging sanhi ng pagkamatay ng walong Hong Kong residents at pagkasugat ng marami pang iba.

Naku, Secretary Rene, huwag mo namang gawing mukhang tanga si Manila Mayor Erap na siyang nag-initiate ng
usapan upang humingi ng tawad ang ating bansa sa Hong Kong!

Kung hindi kay Erap, matutuloy kaya kayo sa Hong Kong at kausapin ang mga opisyal at pa-milya ng mga biktima ng “Luneta massacre?”

Ayaw humingi ng paumanhin si P-Noy dahil di naman mga tauhan ng gobyerno ang pumatay ng mga Hong Kong tourists at isang na-dismiss na pulis.

Dahil dito ay ang da-ting Pangulong Erap ang nag-umpisa ng usapan upang ang City of Manila ang humingi ng apology sa Hong Kong.

In short, nang pumunta sa Erap sa Hong Kong ay sumakay na ang Malakanyang at pinasama sa kanya sina Secretary Almendras at Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima.

Si Purisima, na hindi pa hepe noong mga panahon na yun, ang nagdala ng sulat na humihingi ng tawad ang PNP dahil mga tauhan nito ang nagsagawa ng palpak na rescue.

Hindi tama na angkinin ng Palasyo ang pagbabalik ng magandang pagtitinginan sa pagitan ng bansa at Hong Kong dahil ito’y kagagawan ni Erap.

Kahit na sa pakikipag-usap ng grupo nina Almendras at Erap sa Hong Kong officials, hindi humingi ng formal apology ang Philippine government.

Maraming sinasabing dahilang protocol (kuno) si Almendras kung bakit ayaw humingi ng paumanhin ang pangulo.

Pero, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang patutunguhan nito.

Matapos ang mahabang pakikipag-usap sa mga Hong Kong officials, tinanggap na ng mga ito ang apology ng City of Manila, sa katauhan ni Mayor Erap.

Take note, dear readers, hindi humingi ng formal apology ang national government!

Ito’y dahil sa mataas na pride ni PNoy.

Ganoon pa man, natapos na rin ang hindi pagkakaunawaan ng Pilipinas at Hong Kong.

Thanks to Erap, but no thanks to Malacanang!

Saan ka nakakita na ang sabit ang umaangkin ng papuri sa isang masalimuot na isyu?

Onli in da Pilipins!

In 1994, a South Korean tourist was killed in a crossfire when Hong Kong policemen battled criminals.

Nagbigay ng formal apology ang Hong Kong sa South Korean government.

Natuto na raw ang Hong Kong police dahil sa pangyayari.

Bakit di magawa ng Philippine government ang magbigay ng formal apology sa
Hong Kong gaya ng ginawa ng Hong Kong sa South Korea?

Alam ba ninyo na isa sa lubhang nagdurusa ngayon dahil sa kapalpakan ng mga pulis sa rescue sa Luneta ay si Jason Leung, isa sa mga nasa loob ng bus nang salakayin ng mga pulis ito?

Si Leung ay nahihirapang maglakad at magsalita; nagmistulang gulay na siya.

Anong nangyari kay Leung?

Siya’y tinamaan ng maso sa ulo na ipinukol ng isang
“Three Stooges” cop sa loob ng bus!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal ding nag-comatose itong si Leung.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending