Tates ayaw patulan ang kadaldalan ni Kris | Bandera

Tates ayaw patulan ang kadaldalan ni Kris

Cristy Fermin - April 26, 2014 - 03:00 AM


Nasa Amerika ngayon ang mag-iina ni Mayor Herbert Bautista. Santo-santo nang umalis sina Mayora Tates Gana, Harvey at Athena. May kapatid sa Amerika si Tates, du’n din sila nagbabakasyon kapag walang pasok ang kanyang mga anak, sa Hunyo na ang kanilang balik.

Umalis sa bansa ang dalawampung taon nang karelasyon ni Mayor Bistek na wasak na wasak ang puso. Kahit naman siguro sinong babae ang lumagay sa kanyang posisyon ay siguradong masasaktan at mapupugutan ng ulo dahil sa ipinagbanduhang relasyon ni Kris Aquino.

Lihim o lantad ang isang relasyon ay pareho lang naman ng bigat ‘yun sa usapin ng pangangaliwa, pero mas masakit kapag ipinaglalantaran pa ng babae, tulad ng ginawa ng aktres-TV host.

Walang kahit anong iginanting salita si Mayora Tates sa kabila ng kakukuda ni Kris, pinabayaan lang niyang magdadaldal ang karelasyon ng ama ng kanyang mga anak, ‘yun pa naman ang pinakamahirap sa lahat.

Naisip siguro ni Tates, sa halip na masaktan siya nang malapitan dahil parang de-susi ang bibig ni Kris na kapag napihit na ay wala nang direksiyon sa pagdaldal, du’n na lang muna silang mag-iina sa ibang bansa para hindi direkta ang tama sa kanila ng sakit.

Pero lagi naming pinaniniwalaan na ang problema sa puso ay walang pinipiling lugar, sumusunod ‘yun kahit saan ka magpunta, palaging nakadikit sa utak ‘yun at walang pagbabago ng kapaligiran na makapanglilibang sa atin.

Kahit saan pa magpunta ngayon si Mayora Tates, kahit pa uminom siya ng gamot para sa pansamantalang paglimot, ang sakit na dulot ng pakikipagrelasyon ng ama ng kanyang mga anak kay Kris Aquino ay masakit pa rin. Walang kasingsakit.

( Photo credit to krisaquinofanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending