Mabubuntis na (2) | Bandera

Mabubuntis na (2)

Joseph Greenfield - April 25, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay F.O., ng Basilisa, Dinagat Islands
Problema:
1.      Wala pa rin kaming anak sa kabila ng walong taon pagsasama.  Kami’y mahirap lamang kaya una kaming sumangguni sa albolaryo.  Sinunod namin ang mga utos niya pero hindi pa rin ako nabuntis.  Sumangguni kami sa government doctor at nagreseta siya ng mga gamot.
2.    Ang kalahati ay nabili namin pero ang mahal na mga gamot ay hindi.  Wala pa ring nangyari.  Nawawalan na kami ng pag-asa kaya balak naming mag-ampon na lang.  Ano ba ang maipapayo ninyo? Magkaka-baby ba kami?  Kung mag-aampon kami mula sa aming kamag-anak, ano ba ang birthday na masuwerte?  Ayaw naming tumanda nang walang anak.
Umaasa,
F.O., ng Basilisa, Dinagat Islands
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing sa  buwan ng Enero at Pebrero ay dapat samantalahin ang pagtatalik dahil sa panahong ito maaari kang mabuntis.
Numerology:
Ang birth date mo namang 3 ay nagsasabi na ang unang magiging baby mo ay isang malusog na babaeng sanggol.  At dahil 3 ang birth date mo, favorable kayong magtalik ng iyong mister tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo sa panahong nasa new moon, first quarter at full moon ang buwan sa langit. Sa ganyang diskarte, tulad ng nasabi na, magkakaroon kayo ng pag-asang magka-baby sa 2015.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na magkakabuo kayo ng isang matalino at malusog na babaing sanggol, lagi kayong magpatong ng sariwang kulay pulang rosas sa ibabaw ng inyong lamesang kainan. Sa ganyang paraan, mapapaloob sa unconscious n’yong isipan ang makabuo ng isang cute at magandang babaing baby.
Huling payo at paalala:
F.O., ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap, samantalahin ninyo ang pagtatalik at sundin ang mga nasabing gabay sa itaas. Sa ganyang paraan, tulad ng nabanggit na, sa susunod na taon, isisilang ang isang malusog at cute na babaeng sanggol na maghahatid ng bagong tuwa at kukumpleto sa pagmamahalan n’yong mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending