Doktor sa barrio | Bandera

Doktor sa barrio

Lito Bautista - April 25, 2014 - 03:00 AM

NAMAMAHO ang Doctors to the Barrio Program (DTBP) ng Department of Health sa Zamboanga Sibugay, Northern Mindanao, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato, General Santos City at Cotabato City. Ayon sa DOH, inabuso ng lokal na mga opisyal ang proyektong ito na pinopondohan ng pambansang gobyerno.

Ang serbisyo ng mga manggagamot na ipinadadala sa mga barrio, lalo na ang nasa mga liblib na kanayunan at lugar, ay nakapagtala ng mataas na antas ng tagumpay noong panahon nina Diosdado Macapagal, ama ni Gloria Arroyo; at Ferdinand Marcos, ama ni Sen. Bongbong Marcos, mula sa aktibo at may pagkusang paglilingkod ng Rural Health Unit(s) at Puericulture Center(s). Ang mga biktima ng karahasan (pananaksak at pamamaril) ay isinusugod sa RHU at PC. Dito rin nilulunasan ang nakagat ng mga aso, gaano man kalala ang sugat. Ang mga doktor sa barrio noon ay nagsasagawa rin ng minor surgeries dahil baka mamatay ang pasyente kapag ito’y ibiniyahe pa sa ospital, na malayo mula sa RHU at PC.

Sa nakalipas na 20 taon, nakapagtatakang hindi na humihingi ang LGUs ng mga doktor na itatalaga sa mga barrio, bagaman may pondo nga rito. Pero, merong kahilingan ang mga LGUs sa Basilan at Tawi-Tawi na padalhan sila ng mga doktor.

Nauunawaan natin kung bakit walang doktor ang nais na maglingkod sa mga barrio sa Basilan at Tawi-Tawi dahil mismong LGUs, pulis at militar ay di kayang patahimikin ang magugulo at manliligalig. Kung tutuusin ay di naman kapos ang bansa sa supply ng mga doktor. Taun-taon ay may 3,000 bagong mga doktor. Hindi totoong ayaw magtrabaho ng mga bagong doktor sa barrio at napatunayan na ito ni Juan Flavier.

Kapag ang mga bagong doktor ay nag-asawa na at nagkapamilya, ayaw na nilang magtrabaho sa Mindanao.

Nakapagtatakang naisama ang General Santos City sa problema. Sina Pedro Acharon Jr., Darlene Custodio at Ronnel Rivera ay hindi pinabayaan ang kalusugan ng mga residente sa mga barangay. Dangan nga lamang ay kapos din sa mga doktor, kahit na kahun-kahon ang paracetamol.

Ang Prime Water Infrastructure Corp., ang magsu-supply ng tubig at magbibigay ng water treatment services sa Zamboanga City Special Economic Zone Authority (Zamboecozone) and Freeport. Ang PWIC ay pag-aari ni ex-Sen. Manny Villar. Sa puhunang P742 milyon, magpapagawa at pamamahalaan nito ang water treatment facility. Simple, at hindi masalimuot at matakaw sa pera, ang serbisyo ng PWIC. Mas simple pa sa Maynilad at Manila Water.

Ang sabi nga ng batang si Bimby Yap noon sa kampanya ng kanyang tito Noy, “Villar!” sabay muwestra ng hinlalaki at hintuturo, at sabay hila ni Kris sa backstage. Basang-basa ang papel ng Malacanang, DSWD at NDRRMC sa lugmok na Zamboanga City. Pero, kay Villar, libu-libo na ang magkakatrabaho sa konstruksyon pa lamang. Negosyanteng nakatuon sa obrero, at hindi politiko na nakatanaw sa 2016, ang tutulong sa pagbangon ng Zamboanga City.

Tulog sa suntok ang Malacanang sa tagumpay ng misyon ni Erap sa Hong Kong. O, hihirit pa ang tangapagsalita?

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Walang nagbibigay sa amin ng materyales sa paggawa sa aming bahay. Yung iba ay meron na. Kailangan po namin ng yero, lumber at plywood, atbp., para maitayo muli ang aming bahay. Kami po ay biktima ng bagyong Yolanda. Medyo nasa bukid ang barung-barong namin, na tagpi-tagping kalawanging yero. Iris Tagana, 23, Sitio Malaigang, Barangay 1, Libertad, Palo, Leyte, 0999-1711272

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending