Record sa SSS di tugma sa NSO | Bandera

Record sa SSS di tugma sa NSO

Lisa Soriano - April 25, 2014 - 03:00 AM

GUD pm po, nais ko lang pong magtanong kung paaano po gagawin namin kasi po 63 years old na po father in law ko, e hanggang ngayon po wala pa pong sagot sa pinabe-verify namin. Kasi po ang kaso po ng SSS nya ay hindi po tugma yung date ng birthdate nya sa SSS at sa NSO. Paano po bang gagawin namin para po magka-pension na po siya kahit pambili lang ng maintenance na gamoy niya? Thanks po.
Mrs. Leony Bailingo

REPLY: Ito po ay kaugnay sa katanungan ni Gng. Leony Bailingo hinggil sa magkaibang date of birth ng kanyang father-in-law na naka-record sa SSS at sa NSO.

Amin pong pinapayuhan si Gng. Bailingo na kanyang sabihan ang kanyang father-in-law na magsumite ng SSS Form E-4 o Member’s Data Amendment Form kung saan niya maaaring itama ang kanyang date of birth base sa nakalagay sa kanyang NSO birth certificate.

Subalit kung ang kanyang NSO birth certificate ay late registered, maaari siyang magsumite ng baptismal certificate na mula sa parish church kung saan siya nabinyagan at ang date of birth na nakalagay dito ang pagbabasehan ng kanyang tunay na araw ng kapanganakan.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni Gng Bailingo.
Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending