Di dapat state witness si Napoles | Bandera

Di dapat state witness si Napoles

Ramon Tulfo - April 24, 2014 - 03:00 AM

KUNG sa akala ni Janet Lim Napoles ay magiging state witness siya sa kasong plunder laban sa mga senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada, nagkakamali siya.

Ang state witness ay testigo laban sa kanyang mga kasamahan sa isang conspiracy o samahang kriminal.

Pero kinakailangang siya ang “the least guilty” o pinakamaliit ang kasalanan.

Halimbawa, sa isang holdup sa bangko, ang driver na getaway vehicle ay maaaring maging isang state witness dahil ang kanyang partisipasyon ay magmaneho lang ng kotse kung saan sumakay ang kanyang mga kasamahan.

Hindi puwedeng maging state witness ang nagplano ng bank robbery.

In the same way, hindi puwedeng maging state witness si Napoles sa plunder case kung saan siya ay isa sa mga akusado.

Paano maging state witness si Napoles na siyang nagplano ng lahat ng pangungulembat sa gobiyerno.

Bago pa man nasangkot siya sa P10-billion pork barrel scam, si Napoles ay nasangkot na sa anomalya sa procurement ng Kevlar helmets ng Philippine Marines.

Si Napoles ang nag-supply ng mga helmets sa Philippine Marines na nadiskubre later on na tinatablan pala ng shrapnel at bala.

Ang asawa ni Napoles, na isang major ng Marines, ang nagpakilala kay Janet sa mga matataas na opisyal noon ng Marines.

But one way or the other, nakalusot noon si Napoles sa pandarambong sa gobiyerno.

Hindi lang dapat maisama si Napoles sa kasong plunder, kailangan ding mabawi ng gobiyerno ang mga perang nanakaw niya sa gobiyerno.

Ang mga bahay na kanyang nabili dahil sa pandarambong niya sa gobiyerno ay kailangang kumpiskahin din ng gobiyerno.

Maraming mamahaling mansion, bahay at condominium units ang pamilya ni Napoles.

May joke pa nga na ang mga bahay na pag-aari ni Napoles ay 28, kasama na rito ang Lower House at Upper House.

Bakit si Manila Mayor Erap ang pumunta ng Hong Kong upang humingi ng paumanhin sa mga pamilya ng biktima ng mga napatay na Hong Kong Chinese sa Luneta noong August, 2010?

Bakit hindi si Pangulong Noy?

Ang dapat na humingi ng paumanhin ay si P-Noy.

Si P-Noy ay commander-in-chief ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces.

Bilang commander-in-chief, dapat siya ang umako ng kapalpakan ng mga miyembro ng PNP na nagsagawa ng nakakatawang rescue na nakita ng buong mundo.

Ano pa namang sabihin ng Pangulo sa mga pamilya ng mga biktima sa bungled rescue sa Luneta, “Inaako ko ang kasalanan ng mga tauhan ko. Humihingi po ako ng tawad. Bago lang po ako sa puwesto, pero ipinapangako ko na di na mauulit ang ganoong insidente?”

Pero, mataas ang “fried chicken” ni P-Noy.

Sinunod niya ang payo ng kanyang mga pulpol na advisers noon na huwag siyang humingi ng tawad.

Kaya’t tumagal tuloy ang problema natin sa mga taga Hong Kong.

Bakit itong si Piskal Elpidio Quejada ng Maasin City, Southern Leyte, ang mismong nakiusap sa biktima ng rape na huwag nang ipursige ang kaso?

Ang kaso ay laban kay Julie Antolihao (isa siyang lalaki), na asawa ng isang policewoman.

Ang biktima ay isang 15 anyos.

Pinilit daw ni Quejada na papirmahin ang biktima ng affidavit of desistance kahit na hindi kasama ang kanyang mga magulang.

Ang isang menor de edad ay dapat may consent ang mga magulang sa kanyang gagawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkano ang kinita mo, Fixcal?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending