Pacquiao naging mas maingat na ngayon | Bandera

Pacquiao naging mas maingat na ngayon

Mike Lee - April 20, 2014 - 03:00 AM


ANG pagiging maingat ngayon ni Manny Pacquiao ang isa sa mga bagong ipinakita nito na magagamit niya sakaling matuloy ang pagkikita uli nila ni Juan Manuel Marquez.

Galing sa unanimous decision panalo si Pacquiao laban sa dating walang talong Timothy Bradley at bukod sa bilis ng kamao ay napansin din ng trainer ng dating WBO welterweight champion na si Joel Diaz na hindi na ito basta-basta kung umatake.

Niluluto ng Top Rank ang posibleng ikalimang pagtutuos nina Pacquiao at Marquez kung manalo ang huli kay Mike Alvarado sa Mayo 17.

Ginulat ng four-division champion na si Marquez ang mga panatiko ni Pacman nang hiritan niya ito ng sixth-round knockout panalo noong 2012.

Ito ang ikalawang pagkatalo ni Pacquiao sa taong iyon matapos ang kontrobersyal na split decision pagyuko kay Bradley.
“Pacquiao will win,” wika ni Diaz sa panayam ng Boxingscene.com.

“He (Pacquiao) is just as fast but now he is more cautious. Marquez would have a very difficult time against someone who won’t make mistakes,” pahayag pa ng batikang trainer.

Sa huling pagkikita ay naipit na ni Pacquiao si Marquez at pinaulanan na ng mga matitinding suntok dahilan upang magkumpiyansa siya.

Naiwan ni Pacman na bukas ang kanyang panga at ito ay nasapol ni Marquez para bumulagta ito tungo sa knockout na panalo.
“I think this time Pacquiao will win, because in the fourth fight, Marquez was already hurt and in desperation, he threw that punch and it knocked Pacquiao out,” ani pa ni Diaz.

Sa kasalukuyan ay pahinga muna si Pacquiao kasama ang kanyang pamilya at ayon kay Bob Arum ay hihintayin pa muna niya ang Mayo 17 bago alamin ang magiging sunod na plano sa Kongresista ng Sarangani Province.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending