TINIYAK ni Energy Secretary Jericho Petilla na hindi magkakaroon ng brownout hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay dahil sapat ang suplay ng kuryente.
Sa kanyang panayam sa radyo, sinabi ni Petilla na tinanggal na ang yellow alert dahil may labis na supply ng kuryente.
Iniulat ni Petilla na may reserbang supply na 8,400 megawatts habang ang inaasahang konsumo ay nasa 7,400 megawatts.
Ipinunto niya na tuwing Semana Santa rin ang pinakamababang konsumo ng kuryente sa buong tag-init.
Idinagdag ng opisyal na maliban dito, inaasahan na rin ang pagbabalik ng Pagbilao at Masinloc power plant.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.