Heat dinaig ang Pacers | Bandera

Heat dinaig ang Pacers

Melvin Sarangay - , April 13, 2014 - 03:00 AM


MIAMI — Umiskor si LeBron James ng 36 puntos para tulungan ang Miami Heat na makabalik sa itaas ng Eastern Conference standings matapos nilang tambakan ang Indiana Pacers, 98-86, sa kanilang NBA game kahapon.

Gumawa agad ang Heat ng 16 puntos sa pagsisimula ng second half at hindi na nagkaproblema mula rito. Angat ang Heat (54-25) sa Pacers (54-26) ng kalahating laro para sa  karera sa top spot ng Eastern Conference.

Si Mario Chalmers ay gumawa ng 13 puntos, si Udonis Haslem ay nagdagdag ng 11 puntos habang sina Chris Bosh at Ray Allen ay kapwa nag-ambag ng tig-10 puntos para sa Heat.

Kumana si Paul George ng 22 puntos para sa Indiana habang nag-ambag ng 18 puntos si David West, si Luis Scola ay may 12 puntos at si  Lance Stephenson ay nagdagdag ng 11 puntos.

Si Pacers center Roy Hibbert ay nakagawa lamang ng limang puntos at isang rebound sa laro. Ang Miami ay may nalalabi pang laro kontra sa Atlanta, Washington at Philadelphia.

Kung mananalo sila sa mga ito, makukuha ng Heat ang home-court advantage hanggang sa East final.

Spurs 112, Suns 104
Sa San Antonio, gumawa si Danny Green ng career-high 33 puntos para sa San Antonio Spurs na nagawang makabangon mula sa 21-puntos na paghahabol para masungkit ang best record sa liga.

Si Kawhi Leonard ay umiskor ng 18 puntos habang si Tony Parker ay nag-ambag ng 18 puntos at tatlong assists sa kanyang pagbabalik matapos ang dalawang larong pahinga bunga ng back injury.

Si Green ay tumira ng 7 for 10 3-pointers para ihatid ang San Antonio (62-18) sa panalo kahit wala sina Tim Duncan at Manu Ginobili.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending