TINANGGAP ng Philippine Basketball Association (PBA) ang aplikasyon ng tatlong kompanya na nais maging miyembro ng kauna-unahang play-for-pay pro league ng Asya para sa ika-40 season nito.
Ang tatlong kompanya na tinanggap bilang bagong miyembro ng liga ay ang Metro Pacific Investment Corporation, Columbian Auto Car Corporation at Ever Bilena Cosmetics Inc. na pare-parehong nakapasa sa deliberasyong isinagawa ng PBA board of governors kahapon.
“This is a first,” sabi ni PBA commissioner Chito Salud sa mga mamamahayag. “This is a momentous occasion for the PBA in time for our 40th season. Nothing can be more exciting.”
Ang liga ay huling nagdagdag ng koponan noong 2000 matapos tanggapin bilang ika-10 koponan ang Red Bull, na ngayon ay Barako Bull.
Ang MPIC ay bibitbitin ang NLEX Road Warriors, ang Ever Bilena ay makikilala bilang Blackwater Elite at ang Columbian Auto Car ay dadalhin ang pangalan ng KIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.