Power Pinoys binigo ng Iraq sa AMCC | Bandera

Power Pinoys binigo ng Iraq sa AMCC

Mike Lee - April 11, 2014 - 12:00 PM

NAANTALA ang hangarin ng PLDT Home TVolution Power Pinoys na makarating sa quarterfinals ng Asian Men’s Club Volleyball Championship (AMCC) nang yumuko sa South Gas Club Sports ng Iraq, 25-22, 25-19, 25-18, kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi umubra ang ipinagmalalaking bilis at liksi ng Power Pinoys sa naglalakihang Iraqi players para lasapin ang unang pagkatalo matapos manalo sa Mongolia sa Group A sa ligang handog ng PLDT Home Fibr at inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation.

Si Alnakran Abdilla ay tumapos taglay ang 10 kills tungo sa 11 puntos  para sa Power Pinoys. Pero kinapos siya ng suporta mula sa kanyang mga kakampi tulad ni Australian spiker Cedric Legrand na matapos maghatid ng 18 puntos sa unang laro ay gumawa lamang ng pitong puntos kahapon.

Nag-ambag naman si  Jayson Ramos ng siyam na puntos pero hindi kinaya ng mga locals na balikatin ang koponan lalo pa’t nakatapat nila ang mahuhusay na European imports ng katunggali.

Ang 6-foot-6 na si Aleksandaron Amaniev Metodi ng Bulgaria ay mayroong 13 kills tungo sa 15 puntos habang si
6-foot-5 Hungarian import Baroti Arpad ay may siyam na puntos na kinatampukan ng siyam na kills at tatlong service aces.

May tatlong aces pa si Mateed Safaa para kunin ng Iraq ang 9-2 kalamangan at isama sa 35-31 abante sa spike. Nakatabla ang Pilipinas sa blocking sa tig-apat pero mayroon silang 27 errors para makatulong sa pagbagsak sa labanan.

Kapag tinalo ng Iraq ang Mongolia sa susunod na laro ay awtomatikong papasok sa quarterfinals ang Pinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending