Volleyball team ng Pinas muntik matalo dahil kay Goma | Bandera

Volleyball team ng Pinas muntik matalo dahil kay Goma

Ambet Nabus - April 11, 2014 - 03:00 AM

RICHARD GOMEZ

Bongga naman ang naging opening ng Asian Men’s Volleyball sa The Arena ng SM MOA noong Tuesday ng tanghali, with no less than the host country Philippines called as team #PLDTtvolution, opened the game against team Mongolia.

Matatangkad, matitipuno at kitang-kita ang kasanayan ng koponan sa mga international meets, pero siyempre hindi naman nagpatalbog ang ating koponan kung saan nga kasama si Richard Gomez.

Unlike his showbiz status kung saan binibigyan si Goma ng special treatment, sa kanyang team ay one of the boys lang siya kung ituring. Nakaka-humble nga kung tutuusin dahil very cool lang si Goma at talagang athlete na athlete ang disiplina. Siya man ang sinasabing “most veteran” (sige na nga, pinaka-mature. He-hehehe!) sa grupo, ramdam naman naming mataas na respeto ang ibinibigay sa kanya ng koponan at mga followers ng volleyball.

Parang na-pressure pa nga yung coach niya dahil dumagundong ang sigawan nang papasukin na ito sa court. Sa gitna ng second set ay pinaglaro na nga ang aktor kung saan ang laki ng lamang ng kanilang team sa kalaban. Pero dala marahil ng pressure at nerbyos, hayun nasilip ng team Mongolia na si Goma ang laging bigyan ng bola kaya’t madali silang nakahabol sa score.

Nakakaloka, pero sa pagtatapos naman ng set ay nanalo pa rin tayo until the last 3rd set. Narito ang complete lineup ng team members, Anakran Abdilla—6’2” Opener, Ian Fernandez—5’11” Setter, Ron Jay Galang—6’2” Opener, Richard Gomez 6’2” Opener, JR Labrador—6’1” Opener, Cedric Le Grand (Import-AUS)—6’4” Quicker, William Robert Lewis (Import-AUS)—6’5” Quicker/Setter, Gilbert Longavela—5’8” Libero, Jeffrey Malabanan—6’1” Utility, Raffy Mosuela—5’9” Setter, Henry Pecaña—5’11” Utility, Jayson Ramos—6’3” Quicker, JP Torres—6’4” Opener/Quicker, Peter Den Mar Torres—6’3” Quicker at si Head Coach Francis Vicente.

Galing na galing kami kina Peter Torres, Anakran Abdilla, at sa mga imports na sina Le Grand at Lewis. Talagang pamatay ang mga tira, palo at depensa nila. Sayang nga lang dahil hindi namin mapapanood ang mga next games nila ng live dahil may importante kaming lakad sa Bicol until Holy Week.

Sa Brazil gagawin ang championships kaya kung papasok tayo sa finals, aba’y bongga ang team pldttvolution!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending