4 pang biktima ang sisigaw ng ‘rape’ laban kay Vhong Navarro | Bandera

4 pang biktima ang sisigaw ng ‘rape’ laban kay Vhong Navarro

Jobert Sucaldito - April 11, 2014 - 03:00 AM

VHONG NAVARRO, CEDRIC LEE AT DENIECE CORNEJO

“DISMISSED” ang kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa TV host-actor nating si Vhong Navarro. Ito ang naging desisyon kahapon ng Department of Justice sa 42-pahinang resolusyon niyo dated April 4, 2014.

Ayon sa DOJ, hindi napatunayan ni Deniece ang kanyang akusasyon sa mga ipinakita niyang ebidensiya.

At talagang itinaon pa ang paglabas ng resolusyon sa nalalapit na showing ng “Da Possessed” movie ni Vhong next weekend.

Pero mabuti na yung lumabas na ang desisyon ngayon dahil kung next week pa ito ginawa ng DOJ, siguradong magmumukhang katawa-tawa ang justice system natin.

Baka sabihin na naman kasi nilang nagkataon lang na nag-showing ang movie at ang pagbaba ng hatol – ang pangit lang tingnan, di ba?

Pero bakit puro naman rape ang isinisigaw ng mga nagreklamo kay Vhong? Nu’ng una si Deniece na alam naman nating with full consent ang act nila (fellatio). Yung pangalawa, rape din, na isinampa ng dating beauty contestant. At pangatlo, yung lesbian na stuntgirl na sumigaw din na ni-rape siya ni Vhong kung saan detalyado pa nitong inilarawan ang hitsura at size ng ari ni Vhong.

Meaning, parang may pinanggagalingan itong kaso ng huli. Mukhang dito mapupuruhan si Vhong, kung hindi man sa korte ay sa trial by publicity dahil pinagtatawanan ngayon ang TV host-comedian for having a small and allegedly uncircumcised penis.

Meron pa raw pang-apat, panglima, pang-anim hanggang pitong biktima.

Kahit sabihin pa nating these are all orchestrated, no girl in her right senses will allow to be used para sabihing ginahasa siya ni

Vhong kung wala itong pinanggagalingan. Ibig sabihin ba nito, lahat ng babaeng nagdemanda ay pinilit lang ni Vhong?

Parang wala kasi sa personality niya ang mamilit at mang-rape pero hindi natin alam. Some people can just be so deceiving sa mundong ito. Some can pretend to be saints pero sa totoong buhay ay kabaligtaran pala. Kaya we cannot truly judge anyone.

But you know, these RAPE issues on Vhong destroy his wholesome image. kahit ano pang sabihin nilang depensa rito, pag sinabing nang-rape ang isang tao, itinuturing pa rin itong krimen.

Parang hindi kapani-paniwala pero malay din natin. May nakakausap kaming mga boys na ganoon daw talaga kainit si Vhong sa mga babae – at nagsusumbong daw ang ibang girls sa kanila na namimilit daw talaga si Vhong na maikama sila. True ba ito, Vhong?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, yesterday, sinagot na formally ni Vhong ang third rape charges against him, and as expected hindi raw niya ni-rape ang girl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending