Dennis binastos uli ang GMA, dapat parusahan
Pinatutsadahan ni Dennis Trillo ang sarili niyang network. “Ano yan pang throwback? Wala bang bagong show?” This was followed by, “Boo!”
That was Dennis’ reaction sa isang post na nakita namin sa internet about GMA Sinebabad kung saan tampok ang dalawang movies niya, ang “My Neighbor’s Wife” at “Gaydar”.
Actually, may pagkamataray itong si Dennis, ha! Bilib kami dahil hindi siya takot na magbigay ng kanyang reaction sa mga bagay-bagay kahit na involved pa ang kanyang network.
Ang dami naming nababasa na LAIT at BATIKOS laban sa GMA 7 dahil sa pagpapalabas nila ng lumang pelikula. Ang tanong ng marami, wala na raw bang pang-produce ng teleserye o bagong shows ang network at puro old movies na lang ang kanilang pinalalabas?
Hindi ba napipikon ang executives ng Siyete kay Dennis? Pambabastos na ‘yan sa kanila, di ba? Wala ba silang balak parusahan ang aktor?
( Photo credit to dennistrillofanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.