‘Kulang na lang pati kulay ng ihi at dumi niya nasa fb!’ | Bandera

‘Kulang na lang pati kulay ng ihi at dumi niya nasa fb!’

Cristy Fermin - April 10, 2014 - 03:00 AM


Ngayon pa lang ay sinasabi na namin, hindi mapaninindigan ni Kris Aquino ang binitiwan niyang pampublikong pahayag-pangako na una’t huling pagsasalita na niya ang naganap nu’ng Martes nang gabi tungkol sa kanyang pag-amin sa relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista.

Handa kaming lumaban ng pustahan ngayon kahit kanino, sukdang ano pa ang tayaan, hindi makakayang tuparin ni Kris ang kanyang sinabi. Maraming beses na siyang nagsabi ng mga seryosong bagay na hindi niya naman natupad, kasama na du’n ang hinihiling niyang privacy kaya tatalikuran na raw niya ang showbiz, pero hanggang ngayon naman ay nandito pa rin siya.

Napakasipag pa namang mag-tweet, mag-FB, mag-Instagram at kung ano-ano pang paraan ng social media ni Kris para ilantad sa sambayanan kung ano ang nagaganap sa kanyang personal na buhay.

Kulang na nga lang na pati kulay ng dyinggel at hugis ng kanyang dumi ay i-broadcast pa niya, ‘yun ba ang mangangako na una at huling pagsasalita na niya ‘yun tungkol sa relasyon nila ngayon ni Mayor Herbert Bautista? Hellllloooooooo!!!!

Ngayon makikita at mararanasan ni Mayor Herbert ang klase ng relasyong nasa ilalim ng mata ng publiko. Para silang isda sa aquarium ngayon na anumang kilos ang gawin nila ay sinisipat ng buong bayan, hindi sanay sa ganu’ng senaryo ang aktor-politiko.

Sana nga ay matuto na sa kanyang nakaraan si Kris. Hindi naging matagumpay ang mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon dahil masyado niyang itininda ‘yun sa buong bayan.

Halos lahat ng nagaganap sa kanyang personal na buhay ay nalalaman ng buong Pilipinas. Baka naman gusto niyang baguhin ang kanyang atake ngayon sa pakikipagmahalan?

Mag-iwan naman sana siya ng ilang punto sa kanyang personal na buhay na nakatiklop sa publiko, huwag niyang ipaglantaran ang lahat-lahat, para matupad ang hinihiling niyang kapribaduhan ng kanilang relasyon ng mayor ng Kyusi.

Hindi si Kris ang dapat humingi ng privacy sa ating mga kababayan, siya ang dapat magbigay nu’n sa kanilang relasyon, para magtagumpay sila ni Mayor Herbert sa labang ito.

( Photo credit to herbertkrisfanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending