Ex-dyowa ni Bistek inatake ng depresyon, ‘INAGAWAN’ ni Kris | Bandera

Ex-dyowa ni Bistek inatake ng depresyon, ‘INAGAWAN’ ni Kris

Jobert Sucaldito - April 09, 2014 - 03:00 AM


MARAMING nagulat sa latest pronouncement ni Kris Aquino – that she and Quezon City Herbert Bautista are dating. Inamin na nga ni Tetay na nanghingi na ng permiso si Bistek kay P-Noy na mai-date siya and recently nga ay nakasalo nila ito over their family dinner.

In short, sinimulan na nila ang kanilang love affair and hoping na this will be forever na raw. Siyanga, ha!? “Pagbigyan natin ang ilusyon nilang dalawa.

Yes, pareho naman silang single kung tutuusin pero siyempre, hindi maiaalis sa utak nating maggagamitan lang ang dalawang ito sa politics.

Kasi, di ba, matagal nang kumakalat ang balitang Kris is planning to run for public office either sa Quezon City or Manila or even sa probinsiya nila sa Tarlac or even sa national level.

“Alam niyo naman si Kris, kung ang iba ay worried sa residency bago tumakbo, si Kris naman ay nag-iisa lang yatang may kalayaang mamili kung saan siya puwedeng pumuwesto. Kaloka siya, di ba? What powers can do!

“Sabi nga ng marami, ‘who are we to judge?’ Malay natin, baka nagmamahalan nga talagang tunay ang dalawang ito pero too early nga lang to tell.

Kung totoong nagmamahalan talaga sila at hindi ginagamit ang situwasyon for political reasons, magpakasal muna sila bago mag-2016 para sure na hindi nila tayo pinagloloko.

Pag ginawa nila iyon, hats off kami. That their love nga is for real,” isang challenge ng barkada naming guro. Wow! Grabe namang pam-pressure iyan.

Pero may point naman ang kausap natin, di ba? Kasi nga, sanay na sanay na ang lahat sa mga kadramahan ni Kris Aquino na every week ay merong pinalulutang na manliligaw – na ka-date at kung anik-anik pa gayong wala naman daw talaga.

Pero this time, since inamin na rin lang naman daw nito that she is dating Mayor Herbert Bautista, aba’y panindigan na sana nila ito.

Pero wait lang, paano na si Tates Gana – ang common-law wife ni Bistek, sa pagkakaalam ko dalawa ang naging anak nila, di ba? “Kaya pala hindi nagri-reply si Tates sa mga text messages and calls namin lately, nasa depressing stage pala siya.

Kawawa naman – naagaw ni Kris ang dyowa niyang si Bistek sa kaniya. Ipaglalaban kaya niya ang kaniyang karapatan kay Bistek? Abangan!” Sabi naman ng isang hitad na kaibigan naming reporter na  dinededma raw lately ni Tates ang mga text.

Sabi nga nila, kung saan sila maligaya hayaan natin sila. Matatanda na ang mga iyan para pakialaman pa natin. Basta ba seryoso sila sa mga pinaggagagawa niya, kebs naman natin, di ba?

Hay naku, parang joke naman kasi ang pronouncement na ito – baklang-bakla ang dating. Full meal kung full meal ba ang labanan dito? Ha-hahaha! Bahala na kayong umintindi sa full meal na ‘yan! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending