Serye ni Marian pinahaba para di mapahiya kay Jennylyn | Bandera

Serye ni Marian pinahaba para di mapahiya kay Jennylyn

Alex Brosas - April 07, 2014 - 03:00 AM

UMANI ng batikos ang report na extended ng three weeks ang teleserye ni Marian Rivera. Marami ang hindi makapaniwalang magkakaroon ng extension ang soap ng dyowa ni Dingdong Dantes lalo pa’t una nang kumalat na matsutsugi na ito.

“Hahaha..Sapilitang extension.. Para hindi magmukhang flop.. Hahaha.. Pathetic!” may halong sarcasm na comment ng isang guy. “Hahaha dina kelangan mag extend ng teleserye ang kapamilya, dami ng nakapila ng teleserye..

Di pareho sa GMA eneextend wla kasing nakapila.hahaha,” panunudyo naman ng isa pa. Ang feeling naman ng isang ayaw kay Marian ay, “Malaking sampal kasi kay Marian kung tatapusin agad ang CARMELA. lalo na’t napapabalita na extended UMANO ang Rhodora X, nakakahiya nga naman kung unang matatapos ang teleserye ng reyna ng GMA compared sa teleserye ni Jennylyn na kung tutuusin eh sabay lang silang nagsimula.

Pero lets see kung makakaya pa bang pantayan o higitan ng CARMELA ang IKAW LAMANG lalo na’t maganda KUNO ang istorya nito at top rating DAW ito [according to AGB].”

Ang extension ng soap ni Marian ay tila nagtapos sa isyung matsutsugi na ito. Meron pang humabol ng pagtataray at kinuwestyon ang TV commercial ni Marian.

“Oo nga po pala, asan na po mga sinasabing tvc ni marian, kasi ung ibang sikat na artista kahit di mag post na may bagong tvc lumalabas na lng at sunud sunud pa,” one guy asked.

Umeere na ang bagong commercial ni Marian and her drumbeaters are saying na marami pa itong kasunod. Napansin lang namin, ‘yung ibang artista walang nagda-drumbeat na meron silang lalabas na commercial, basta bigla na lang umaapir ang TV ads nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending