Baby ni Ara Mina nalaglag, pero tuloy pa rin ang kasal kay Mayor Patrick | Bandera

Baby ni Ara Mina nalaglag, pero tuloy pa rin ang kasal kay Mayor Patrick

Cristy Fermin - April 07, 2014 - 03:00 AM


Kahit pa malapit sa aming puso si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan ay hindi kami nagtangka kahit minsan na idayal ang kanyang telepono para magtanong ng mga detalye tungkol sa pagkakakunan ng kanyang girlfriend na si Ara Mina.

Kinumpirma na sa amin ng mga common friends namin ni Mayor Patrick ang nangyari, nalaglag nga raw ang dinadala ni Ara Mina, pero nagbigay pa rin kami ng espasyo ng katahimikan para sa magkarelasyon.

Napakadali naming tawagan si Ara, siguradong sasagutin niya kami, pero hindi pa rin kami nagtangka. Kahit text, hindi kami nagpadala sa magkarelasyon, pinabayaan lang namin silang manahimik dahil ‘yun ang kailangan nila ngayon.

May plano na silang magpakasal, meron na lang mga inaasikasong detalye ang politiko, pasasaan ba’t isang araw ay magkakaroon na uli sila ng baby na para talaga sa kanila.

Ang mahalaga ay buong-buo pa rin ang kanilang relasyon, maligaya sila sa isa’t isa, ‘yun naman ang pinakaimportante ngayon sa kanilang dalawa. Marami pang panahon para sa pagkakaroon ng anak dahil hindi pa naman sila matatanda.

Lumulusog lang ngayon si Mayor Patrick, kailangan niyang karirin ang pag-e-exercise, masyado yatang mahusay mag-alaga si Ara kaya patuloy ang paglaki ng kanyang boyfriend.

Chef si Ara Mina, tapos ito ng kurso, siguradong si Mayor Patrick muna ang pinatitikim nito ng kanyang mga putahe kaya lumapad nang ganyan ang guwapong mayor ng kanyang bayan sa Bulacan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending