Panawagan ni Vice: Sa lahat ng bakla, halika na, marami tayo, simulan na natin 'to! | Bandera

Panawagan ni Vice: Sa lahat ng bakla, halika na, marami tayo, simulan na natin ‘to!

Ervin Santiago - April 07, 2014 - 03:00 AM


Tuwang-tuwa pala talaga si Vice Ganda nang bigyan siya ng recorded message ni Sen. Miriam Santiago para sa birthday celebration niya kamakailan. Hindi naman itinatago ng TV host-comedian na idol na idol niya ang senadora.

Ayon kay Sen. Miriam, “That personality is an icon for his or her own time. Because now we are working towards gender equality. So this will be very interesting. I hope he or she or it continues this good fight.”

Na sinagot naman ni Vice ng, “Kay Senator Miriam Santiago, I want to see you personally. Isa ho sa mga pangarap ko eh makausap ko siya. Senator Miriam Santiago, I salute you and you are my idol.”

Isa sa mga birthday wish ni Vice, sana raw ay pumayag nang mag-guest si Sen. Santiago sa Gandang Gabi Vice dahil matagal na nga niya itong nililigawan na bumisita sa GGV, pero mukhang hindi pa nga niya nakukumbinse ang senadora.

Sa naging celebration naman ni Vice sa Showtime, hiniling niya na sana’y maging maayos na ang lahat sa mga kaibigan niyang co-hosts sa programa, lalo na sa kaso ni Vhong Navarro na tatlong rape case na ang kinakaharap ngayon at kay Anne Curtis na lagi ring nasasangkot sa kontrobersiya.

At siyempre, makakalimutan ba niyang pasalamatan ang grupong LGBT at ang mga kaibigan niyang lesbian at bading, “Sana lahat ng mga nangyari sa buhay ko, lahat ng tagumpay ay maging inspirasyon sa mga katulad kong kakaiba sa tingin ng lipunan.

Para sa ating lahat ‘to.” “Hindi lang ako nagiisa dahil napakarami namin, napakarami naming kakaiba, hindi pasok sa pamantayan ng mangilan-ngilan pero may chance tayo to make break, to have a Kit Kat, charot.

Sa lahat ng bakla na nakatingin sa akin ngayon, halika na, marami tayo, simulan na natin ‘to.  “Tandaan ninyo hindi niyo kailangan ibatay ang kasarian ninyo sa kung anong nakalagay sa birth certificate o sa ano man kasulatan.

Dahil ang kasarian ninyo ay kailangan niyong ibatay sa ‘kung anong tunay na nararamdaman ng puso,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending