Willie kinakarir ang ipinatatayong hotel sa Tagaytay | Bandera

Willie kinakarir ang ipinatatayong hotel sa Tagaytay

Cristy Fermin - April 05, 2014 - 03:00 AM


May isang kaibigan kaming walang magawa sa kanyang salapi ang personal na nagpunta sa job site ng ipinagagawang hotel ni Willie Revillame sa Tagaytay.

Naiintriga raw kasi ito sa kanyang mga nababasa tungkol sa lugar na kung ilarawan ng marami ay nasa ituktok ng bakasyunang siyudad.

“Ayokong-ayoko kasi nu’ng para bang tinatakaw ako about a place, about food, kailangang makita ko ‘yun agad para matigil ang cravings ko,” komento ng aming kaibigan.

Pagdating nito sa lugar ay may isang villa na tapos na. Pagkaganda-ganda raw nito, kumpleto pa sa spa, swimming pool at malawak na garden. Nasa ituktok ‘yun ng bundok, ha?

Tama ang kuwento sa amin ng mga katropa ni Willie, kailangan naming masilip ang lugar, “Walang stress du’n, Nanay, dahil para kang malapit na malapit lang sa langit sa ganda at taas ng place,” kuwento sa amin ni Jhon Pamintuan na palaging kasama du’n ni Willie.

Model villa pa lang ang natatapos dahil sa tagal ng pagtatayo ng pundasyon nito, pinag-aaralan pang mabuti ng mga engineer at constractor na kinuha ni Willie ang klase ng lupa, ang kapasidad nitong humawak ng gusali at kung ano-ano pang kunsiderasyon.

“Napakaganda ng place, mga twenty villas pa raw ang kailangang ma-complete, sabi ng kausap ko. Pero maganda talaga ang lugar, masarap tumira du’n, kitang-kita ang Taal Lake at Laguna de Bay mula sa roof ng Tagaytay,” parang nang-iinggit pang kuwento ng aming kaibigan.

At ‘yun ang pinagkakaabalahang mabuti ngayon ni Willie Revillame, ‘yun ang kumakain ng mahalaga niyang oras ngayon, hindi ang kung ano-anong kuwentong ibinabato laban sa kanya ng mga taong sa kawalan ng magagawang makabuluhan sa buhay ay kung ano-ano na lang ang nagagawa laban sa kanilang kapwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending