Kris nilalaro ang pagmamahal, Derek, Bistek pinagtitripan lang | Bandera

Kris nilalaro ang pagmamahal, Derek, Bistek pinagtitripan lang

Cristy Fermin - April 04, 2014 - 03:00 AM

HRBERT BAUTISTA, KRIS AQUINO AT DEREK RAMSAY

Ito namang si Kris Aquino, kahit sino na lang! Para namang hindi na tama ang ginagawa niyang paglalaro sa kanyang buhay-pag-ibig, parang hindi na niya binibigyan ng halaga ang isang aspeto ng buhay na kung tutuusin ay sagrado dapat, parang laro na lang para sa kanya ang lahat-lahat.

Si Derek Ramsay naman ang ine-emote-emote ngayon ng aktres-TV host. Pagkatapos niyang paputukin ang diumano’y pagiging sobrang close nila ni Mayor Herbert Bautista, ang nananahimik namang hunk actor ang kinakalampag niya ngayon.

Hindi na tuloy namin alam kung paano sasagutin ngayon ang mga pang-uurirat ng mga kababayan natin tungkol sa ginagawang paglalaro ni Kris sa pag-ibig. Ito raw ba ang bagong trip ni Kris?

Kunsabagay ay hindi naman ang mga lalaking nasasangkot sa kuwento ang nakakaawa kundi si Kris. Mahalay na kasing tingnan ang mga pinaggagagawa niya tungkol sa pakikipagrelasyon, kulang na kulang siya sa pansin, kaya niya ginagawa ang ganyan.

Isang malaking katotohanan ang kakambal ng mga ginagawa niya ngayon. Hindi kayang paligayahin ng salapi ang tao. Nagagawa lang na kumportable ng salapi ang ating buhay pero hindi nito nabibili ang lahat lalo na ang kaligayahan.

Sa isang banda ay mas nakakaawa pa nga si Kris Aquino kesa sa nakakainis. Sa totoo lang. Mapera ka nga, sikat na sikat ka nga, makapangyarihan nga ang pamilya mo pero wala naman sa iyo ang hinahanap mo.

Ang pinakasimpleng paghahambing—puwede mong bilhin ang pinakamaganda at pinakamahal na kama, pero hindi mo mabibili ang masarap na tulog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending