Mag-aasawa, di mag-aasawa (2) | Bandera

Mag-aasawa, di mag-aasawa (2)

Joseph Greenfield - April 03, 2014 - 01:47 PM

Sulat mula kay Eli,   ng Batan, Aklan
Problema:
1.     Gusto ko nang mag-asawa pero ayaw ko pa dahil wala akong trabaho.  Wala akong pambili ng pagkain para sa asawa ko at ako naman, sa edad kong ito, ay nakikikain lang sa pamilya ko.  Marami akong kamag-anak at ayaw kong matulad sa kanila na nag-aaway-away dahil sa pagkain.  Napakahirap talaga ang buhay ngayon at ayaw kong mabibilang ako sa ilan na nanghihingi ng pagkain sa mga kamag-anak.
2. Kung ipipilit kong mag-asawa, paano na lang kung magkaanak kami?  Paano na ang kanyang gatas, pagkain, ang kanyang paglaki’t pag-aaral?  Ngayon, isa lang ang dapat kong magkaroon: trabaho.  Kelan ako magkakatrabaho?  Ipinanganak ako noong Enero 11, 1985 at May 11, 1986 ang girlfriend ko.  Compatible ba kami?
Umaasa,
Eli, ng Batan, Aklan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2),  at Taurus naman ang girlfriend mo ay nagsasabing sadyang compatible kayo. Kaya kung sakaling kayo ang magkakatuluyan, may pangako ng maunlad at maligayang pagpapamilya.
Numerology:
Ang birth date ninyo ay nagsasabing basta’t sumunod ka lang nang sumunod sa ipinapagawa sa iyo ng girlfriend mo, makikita mo, mapapanuto ang buhay mo, kapag nagkatuluyan na kayo, mas mabilis kayong uunlad at habambuhay na liligaya. Basta ang susi, sumunod ka lang ng sumunod sa babaing mapapangasawa mo, sapagkat siya ang suwerte sa buong buhay mo.
Huling payo at paalala:
Eli, ayon sa iyong kapalaran, sa buwan ng Disyembre sa taon ding ito,  magkaka-trabaho ka na dahil sa tulong ng iyong girlfriend. Kapag may trabaho ka na, yayayain ka na niyang magpakasal sa buwan ng December. Sumunod ka lang sa kanya o sa iyong girlfriend at makikita, imbis na maghirap sa pag-aasawa, sa pagtutulungan ninyong dalawa at sa pagsunod sa iyong asawa, tiyak na ang magaganap – uunlad, yayaman at habambuhay na magiging maligaya ang itatayo ninyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending