Gretchen isang dyosa para kay Enrique, pero si Julia ang gustong maging dyowa
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang naging pahayag ni Enrique Gil tungkol kay Gretchen Barretto at sa leading lady niya sa seryeng MiraBella na si Julia Barretto.
Pinagkumpara kasi ni Enrique ang magtiyahin at anito, “Julia is beautiful and Gretchen is a goddess.” Nakasama ng Kapamilya young hunk actor si Gretchen sa Princess And I habang ka-partner naman niya sa MiraBella si Julia.
Chika ni Enrique sa interview ng ABS-CBN, “Iba kasi ‘yung level ng ganda ni Gretchen eh. I’ll say maganda si Julia pero fabulous or goddess para sa akin si Ms. Gretchen Barretto.”
Pero sey ng binata, parehong madaling pakisamahan ang dalawa contrary to reports na mahirap silang i-please dahil parang ang sososyal nga ng kanilang dating.
Ano ba sa tingin niya ang magic nila ni Julia at nag-click agad sila sa mga manonood? “Kapag may love team kasi ako, iniisip ko gusto ko itong babae na ito. She’s a sweetheart.
Parang parehas kami ng ugali kaya magja-jive kami talaga. Makulit siya. She’s really open to me. That’s really a good sign. Kaya siguro nagustuhan kami ng viewers. ”
Muli, sinabi ni Enrique na hindi imposibleng ma-in love siya kay Julia, “Oo naman. Siguro lahat ng gusto kong makita sa babae, nakikita naman kay Julia. Maganda, mabait, simple at malambing.
Yun ang pinaka-staple na kailangan ng lalaki kaya masaya ka na du’n.” Single pa rin hanggang ngayon ang binata, aniya, siya kasi ‘yung tipo ng lalaki na basta-basta na lang nakikipagrelasyon, “Minsan kasi may mga tao na hinahanap ‘yung feeling (in love), pero ‘yung feeling lang talaga.
Hindi na ‘yung connection niyong dalawa. May ganu’n minsan. Para sa akin, iniisip ko na mas okay na kaysa naghahanap ako, relax lang tapos kapag may nahanap ako, boom! Baka ito na.”
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.