GMA naka-jackpot sa Kambal Sirena nina Louise at Aljur
Patuloy na sinusubaybayan ang pinakabagong sirena serye na Kambal Sirena na pinagbibidahan ng GMA Artist Center prime talents na sina Louise delos Reyes, Mike Tan at Aljur Abrenica.
Sa mga social networking sites ay bumuhos ang suporta at papuri sa programa. Bukod sa galing sa pag-arte nina Tessie Tomas, Mickey Ferriols, Nova Villa, Lotlot De Leon, Pancho Magno, Wynwyn Marquez, Chanda Romero, Angelika dela Cruz, Rich Asuncion, Polo Ravales at Gladys Reyes, hindi rin pinapalampas ang mga nakakaantig at nakakakilig na mga eksena nina Louise bilang Alona at Perlas, Mike bilang Jun at Aljur bilang Kevin. Narito ang ilan sa mga comments:
Mula kay (@nadj_21), “I’m hooked.. Nakakapanibago.. Im not into pinoy drama pro i lyk dis. Heavy and light @ d same tym. @GMAKambalSirena #KSAngPulserasNiAlona.”
“Napapangiti ako pagpinapanood ko ung Kambal Sirena :’> @GMAKambalSirena :)) #KSPagbalikNgNakaraan #KambalSirena,” sey naman ni @naomirgmen.
“Walang araw na din ako nabitin sa Kambal Sirena Nakakabitin ganda kasi ehhh!!! #KSReynaAlona,” chika ni @JamaicaDeocares.
“@GMAKambalSirena @gmanetwork @lou_delosreyes The entire family was fascinated by the story itself. Beautiful story. Kudos! #KambalSirena,” from @blugrant.
Dahil dito ay lubos ang pasasalamat nina Louise, Mike, at Aljur. “Sobrang thankful. Simula noong nag-umpisa kami hanggang ngayon,ramdam namin na talagang mas tumitindi ang pagtanggap nila sa Kambal Sirena.
Lahat ng pagod at puyat namin talagang worth it lahat. Dapat talagang abangan ng lahat ang mga susunod pang mga episode dahil bukod sa orihinal na konsepto ay talagang pinagbubuhusan ng panahon lalo na si Direk Dondon (Santos) at production staff na sobrang tutok sa script,” sagot ni Louise.
Katatapos namang mag-celebrate ni Aljur ng kanyang kaarawan noong March 24. Ayon kay Aljur, “Nagkaroon ako ng birthday mall show tapos I had the chance to celebrate with the kids of World Vision last March 20.
Then sa mismong birthday ko dinalaw ako ng family ko sa set.” Naging vocal din ang aktor nang maitanong kung gaano ka-challenging ang taping nila lalo na’t sa pabagu-bagong panahon. “Hindi po siya madali pero hindi kami tumitigil dahil exciting talaga, laging may bago.
Plus excited na din akong makatrabaho si Mike dahil siguradong may mga bagong matututunan ako sa kanya,” sagot ng aktor.
Hindi dapat palampasin ang mga kaabang-abang na mga eksena sa Kambal Sirena na mapapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.