DEAR Aksyon Line
ako po si edna mayrina at nagtatrabaho bilang kasambahay na stay out sa bacoor cavite na iaplay naman po ako ng amo ko ng sss pero gusto ko lang po na itanong kung may benefits po ako na makukuha ngayong 2 months na po akong buntis.
Totoo po ba covered ako ng maternity benefits at ano po ang dapat kung gawin.
Sana po ay matulungan ninyo ako
Edna Mayrina
REPLY: Ito ay bilang tugon sa katanungan ni Edna Mayrina tungkol sa maternity benefits.
Nais naming ipaalam kay Ma’am Edna na mayroon pong maternity benefits na ibinibigay ang SSS sa mga miyembro nitong nanganak o nakunan.
Para mag-qualify sa maternity benefits, ang isang miyembro ay dapat na may hindi bababa sa tatlong hulog sa loob ng 12-month period bago ang semester ng panganganak.
Ayon kay Ma’am Edna siya ay kasalukuyang dalawang buwang nagdadalantao.
Ipagpalagay na natin na siya ay manganganak sa buwan ng October o November ng taong ito.
Ang semester ng kanyang panganganak ay mula July hanggang December 2014. Samakatuwid ang 12-month period bago ang semester ng kanyang panganganak ay mula July 2013 hanggang June 2014.
Kung mayroong at least tatlong hulog si Ma’am Edna sa panahong ito (July 2013 – June 2014) maaari siyang makatanggap ng maternity benefits mula sa SSS.
Ang halaga ng maternity benefits ay kinokompyut batay sa isang formula na nakasaad sa Social Security Law, gamit ang katumbas na monthly salary credit ng halaga ng inihulog na contributions ng isang member.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Ma’am Edna.
Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@gmail.
com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.