Kung hindi lang sana masyadong seloso si Cedric
KUNG hindi masyadong seloso itong si Cedric Lee, malamang ay nabubuhay siya ngayon ng tahimik.
Walang publisidad na masama tungkol sa kanya. Di malalaman ang kanyang pagkatao. Di mabibisto ang kanyang relasyon kay Deniece Cornejo. Di siya kakaba-kaba na baka siya at kanyang mga kasamahan ay damputin ng pulisya kapag magkaroon ng warrant laban sa kanya dahil sa pagkakabugbog niya sa TV host at comedian na si Vhong Navarro.
At hindi siya sana sasampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion.
Aabot daw ng P194.7 million ang kakulangan ni Cedric sa ibinayad nitong buwis mula 2006 hanggang 2009.
May kasabihan sa English na, “when it rains, it pours.”
Kung umulan, bumubuhos. Ibig sabihin, kapag inabot ka ng malas, sunod-sunod.
Sobrang selos ang nagbunsod kay Cedric na bugbugin si Vhong na nadatnan niya sa condo unit ni Deniece.
Nilagyan ni Cedric ng hidden camera ang condo unit ni Deniece sa Bonifacio Global City at hindi alam ito ng babae.
Magnobyo kasi itong si Cedric at Deniece.
Apparently, malikot itong si Deniece dahil siya mismo ang nagyaya kay Vhong na pumunta sa kanyang condo.
Kitang-kita ni Cedric na ino-oral sex ni Deniece si Vhong at ganun din ang ginawa ni Vhong kay Deniece.
Yan ang napag-alaman ng inyong lingkod sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pahayag ni Vhong sa mga imbestigador.
Kaya nga raw nag-text si Deniece kay Vhong: “Bad ka, bad ka!” Ibig sabihin, bitin siya sa kanilang ginawa.
Ang text naman ni Vhong ay, “Babawi na lang ako sa iyo next time.”
Kaya’t nang si Vhong ay dumalaw uli kay Deniece—upon the invitation of Deniece, of course—ay naroon na si Cedric at ang kanyang mga barkada.
Kung ako si Cedric, ang aking paparusahan ay si Deniece at hindi si Vhong.
Kung matinong babae itong si Deniece, di niya yayayain si Vhong sa kanyang condo.
Paano malalaman ni Vhong ang condo ni Deniece kung hindi niyaya ang TV host ng babae?
Pero dahil siguro napamahal na siya kay Deniece ay ibinunton niya ang galit kay Vhong sa halip na sa kanyang sweetheart.
Mali!
Ang palay (Deniece) ang lumapit sa manok (Vhong) bakit di naman tutukain ng manok ang palay lalo na’t masarap ang palay?
Sa aking palagay, ang kasalanan lang ni Vhong ay siya’y lalaking mahilig. At sino naman ang hindi, aber?
Kung ako si Cedric, iiwanan ko si Deniece.
Guwapo si Cedric, matipuno ang pangangatawan, at maraming-maraming pera.
Ang daming babae na papatol sa kanya, bakit pa nagpadala pa siya sa kanyang matinding emosyon?
Kumpara kay Vina Morales, kung kanino may anak si Cedric, parang third class lang ang kagandahan ni Deniece.
Maraming nakakita sa litrato ni Deniece noong siya ay di pa nagparetoke ng mukha. Ordinaryo lang ang kanyang ganda.
May beauty clinic kasi itong si Cedric at pinaganda niyang mabuti si Deniece.
Pero nasa huli ang pagsisisi.
Di na maibabalik ni Cedric ang nakaraan.
Malaking tsansa na mapupunta siya sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa.
At hindi siya makapagpiyansa kapag siya’y nakasuhan na dahil ang serious illegal detention ay isang non-bailable offense.
Kung aayusin man niya si Vhong upang di na ituloy ang demanda sa kanya, malamang na mamumulubi siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.