Anne mas tumindi ang paghuhubad; halos bumuyangyang ang ‘LANGIT’
GRABE! Sa poster at iba pang promo materials pa lang ng kanyang second major concert ay talagang maglalaway na ang mga kalalakihan at katomboyan kay Anne Curtis.
Nu’ng Huwebes ng gabi ginanap ang presscon ng “The Forbidden Concert Round 2: Annekapal”, ang ikalawang pagsabak ng TV host-actress sa larangan ng pagpe-perform sa Araneta Coliseum.
Mas confident at mas palabang Anne Curtis ang nakita namin nang mga oras na ‘yun, kaya hindi na kami nagtaka kung mas daring ang pictorial niya para sa nasabing concert.
May isa pa nga doon na halos aninag na ang kanyang kaselanan. Pero walang care si Anne kahit na masilipan siya ng mga boys at tomboys! Ha-hahaha!
Buti na lang, hindi seloso ang boyfriend ni Anne na si Erwan Heussaff at okay lang sa kanya na magbuyangyang ng kanyang hubad na katawan si Anne. May nagtanong naman kung magge-guest ba si Erwan sa concert niya, hindi raw.
“Natatawa kasi siya sa akin! Tapos pinipilit ko siyang mag-guest, ayaw niya! Sabi ko, ‘Please!'” natawang chika ng bida rin sa fantaserye ng ABS-CBN sa Primetime Bida na Dyesebel.
May humirit naman kung marunong din bang kumanta ang dyowa niya tulad ng sister nitong si Solenn Heussaff, mabilis na sagot ni Anne, “Yes! He sang in Solenn’s concert before. ‘So how come you can sing in Solenn’s concert but you can’t sing in mine?’ sabi ko sa kanya.
“And he just told me that, ‘What is ours is ours.’ Parang, ‘We’ve done so well…’ I mean, we’re open to the public about it, but, you know, we’re not super showbiz-y,” sey ni Anne.
Mahigit tatlong taon nang magkarelasyon sina Anne at Erwann, pero talagang wala pa raw sa plano nila ang magpakasal dahil nasa top priority pa rin nila ang kanilang respective career.
Kung sandamakmak ang proyekto ni Anne, si Erwan naman ay busy sa kanyang food blog at sa apat niyang restaurants.
Pansin ng press na parang iwas na iwas sa media si Erwann, banat ni Dyesebel, “He’d like to keep it like that.
Kaya sa concert ko ayaw niya talaga. So sabi ko, ‘Okay.’ O, ‘di ba, hindi na ako nakasagot, alangan namang pilitin ko. But it would’ve been great to have him part of the concert.”
Samantala, ipinagmalaki ng TV host-actress at singer na rin na maraming bagong mapapanood ang publiko sa kanyang “The Forbidden Concert”, kung noon ay sintunado siya sa ilang kanta, ngayon daw ay hindi na.
Mas gumaling na raw siya ngayon, “Pero siyempre, hindi mawawala ‘yung baliw-baliwan sa show, kashi ‘yun naman ang gusto nilang mapanood sa concert ko, ‘yung pagkabaliw ko!”
Sa May 16 na ang “The Forbidden Concert: AnneKapal” sa Araneta Coliseum, for inquiries call 911-5555 or visit www.ticketnet.com.ph..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.