Ai Ai magpapakita ng pwet; tinuksu-tukso uli si Dennis
Tawa rin kami nang tawa kay kagandahang Ai Ai delas Alas (na gumaganap namang Banak sa Dyesebel ni Anne Curtis) dahil nabaliw-baliw ito sa isinagot ng isang katoto na nagkamali sa pagbibigay ng name ni Louise delos Reyes na bida nga sa Kambal Sirena na katapat ng Dyesebel nila sa ABS-CBN.
“Hindi ko matandaan ang name (ni Louise) pero sure akong hindi yun yung sinabi niyang (reporter) pangalan kaya naloka ako!” sey ni Ai Ai na nag-host ng PEP List 2013 announcement of winners nu’ng Huwebes.
“Kilala ko si Aljur at hangang-hanga ako sa batang iyan. Healthy competition lang naman ang lahat sa amin. Sana nga lang eh, yung mga gaya niya ang nakikita ko sa dagat namin para mas bongga. Ha-hahaha!” hirit pa nito.
May plano palang gumawa ng isang indie movie si Ai Ai kung saan talagang kakaririn niya ang pagpapa-seksi to the point na kahit magpakita siya ng puwet at makipag-bed scene ng wagas.
Nakausap na niya si pareng Buboy (Cesar Montano) through his manager, Shirley Pizzaro at solb naman daw ito sa idea ng paghuhubad niya.
At dahil nali-link siya ngayon kay Dennis Trillo, trip na trip nga niyang makasama ito sa kahit anong proyekto. In fact, nang dumating sa naturang event ng PEP si Dennis kasama si Tom Rodriguez (wagi sila bilang hottest tandem of 2013), talagang agaw-eksena ang tuksuhan sa kanila. Game na game namang sumakay si papa Dennis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.