Bukol ni Aljur ayaw tingnan ni Louise | Bandera

Bukol ni Aljur ayaw tingnan ni Louise

Ambet Nabus - March 29, 2014 - 03:00 AM


“TAO lang po, but I had to do it.” Ang bahagi ng paliwanag ni Aljur Abrenica sa naging isyu sa kanila ni Geoff Eigenmann.
Sa pocket presscon ng seryeng Kambal Sirena sa GMA TeleBabad, inamin ng hunk actor na pinagsisihan niya ang pagpapadala niya sa kanyang emosyon nang magsalita siya against Geoff (dala ng selos sa pagiging leading man nito kay Kylie Padilla), pero bilang isang lalaki daw ay kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman.

“But I learned my mistake. Lahat naman kami ay may natutunan sa pangyayari at ok na yun,” sabay bidang okay na uli sila ni  Geoff.

Nang mapadako naman ang tsikahan namin ni Aljur sa pinagbibidahan niyang Kambal Sirena, lumabas ang pagkakalog ni Aljur.

Ibinalik namin dito ang tanong na what if kung si Enzo Pineda naman ang magselos ng wagas sa kanya dahil sa napapabalitang sobrang komportable na nila ng kanyang leading lady dito na si Louise delos Reyes, bukod pa sa matitinding nilang kissing scenes sa serye?

“I’m so respectful sa mga nakakatrabaho ko lalo na sa babae. Sisiguraduhin kong nandu’n yun sa lahat ng oras kaya walang dapat na ika-worry si Enzo,” sagot nito.

At dahil napag-usapan nga ang kissing scenes, aliw na aliw kami sa tsika sa amin ni Louise na sa sobrang guwapo at ganda ng katawan ni Aljur, talagang hindi raw niya tinitingnan ang katawang nito na puro abs, sa mukha lang daw siya ng aktor nagpo-focus.

Sey pa ng aktres, “Baka kung ano pa ang makita ko. Ha-hahaha!” na ang tinutukoy nga ay ang bukol ni Aljur  sa Kambal Sirena. Ha-hahaha!

Nagtanong tuloy si Aljur kung totoong ayaw ngang tingnan ni Louise ang kanyang “Felix Bakat” kapag may intimate scene sila, na sinagot naman ng “yes” ng aktres, kaya’t nagkatawanan ang lahat na nasa presscon.

Masaya ang grupo ng Kambal Sirena dahil despite nga raw sa heavy competition ngayon sa kanilang timeslot, “We manage to shine and madalas pa nga raw kaming nananalo.

Sana nga ma-sustain dahil we are doing naman po our best,” sabi ni Louise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending