Ruffa takot magsalita tungkol sa boys kapag kasama si Sarah | Bandera

Ruffa takot magsalita tungkol sa boys kapag kasama si Sarah

Jobert Sucaldito - March 29, 2014 - 03:00 AM


LALONG gumanda si Ruffa Gutierrez nang humarap sa amin sa Twist Resto sa likod ng Belo Clinic near Tomas Morato, Q.C. Bago natin pag-usapan si Ruffa, I would just like to commend the very good food sa Twist Resto, sarap ng kanilang Bistek Tagalog at tulingan. As in, sobrraaaang saraaapp! Ha-hahaha!

Anyway, Ruffa has a new endorsement, ang CosmoSkin na lalong nagpapaputi sa kaniya. Hindi lang ito basta whitening product, healthy pa dahil nagpapatibay ng glands natin.

Dati na kasing flawless ang skin ni Ruffa pero lalo pa itong na-enhance ng CosmoSkin dahil maganda ang effect nito, pinapantay niya ang iyong kaputian.

“It’s best to drink at least two tabs before meal and twice a day dapat for about two weeks. Kung nakakain ka na, at least 30 minutes after mong kumain para lalong maging effective.

Nililinis pa niya ang liver natin,” ani Nino Bautista, one of their marketing men.Proud na proud si Ruffa sa bago niyang endorsement dahil makakasama niya sa family ng CosmoSkin si Jodi Santamaria who endorses naman another product.

Anyway, ang daming nakakatawang anecdotes ni Ruffa that day. Isa na roon ang pagbabalita niya sa amin that her mom Anabelle Rama has mellowed a lot.

“Hindi na gaanong mainitin ang ulo. Nagtatalak pa rin pero not like before. She is better now. Medyo tame na si Mommy,” ani Ruffa na kasama ang buong family recently sa isang Asian cruise as part ng kanilang reality show sa E! cable channel.

Wala raw siyang lovelife ngayon pero marami talaga siyang suitors. Sa ganda ba naman niya, natural na marami talaga ang mahuhumaling sa kaniya.

Kung sa aming mga bading nga na hindi naman kagandahan ay merong nahuhumaling, kay Ruffa G pa kayang super-ganda at super-sikat. Ha-hahaha! Isali ba ang sarili.

Pero we’re one in saying na parang hindi bagay kay Rufing ang Pinoy dyowa – dapat sa kaniya ay foreigner. Kasi nga, sobrang tangkad niya and intimidating ang status.

Pero enough na raw of Ylmaz Bektas – wala raw siyang balak makipagbalikan dito. “Please!!! Ayoko na. Kung si Sarah Geronimo ay napabalitang naggupit ng buhok dahil sa kung anupaman, ako naman ay minsan ding ginupitan ni Ylmaz ng buhok, as in, super-igsi, dahil sa selos.

Nakakaloka! Grabe iyon. I will never forget that. Ha-hahaha!” sambit ni Ruffa. “Puwede na siguro akong gumawa ng book regarding my past relationship with Ylmaz, di ba? Yung pagiging battered wife ko,” dagdag-biro pa ng aktres.

“Or baka hindi ikaw ang battered wife, baka si Ylmaz ang battered husband dahil lumalaban ka,” pagsalungat naman ni Nanay Lolit Solis na ikinahagalpak ng lahat ng nasa presscon.

Anyway, Ruffa is leaving daw for Holy Land with her kids Venice and Lorin on April 16. Magpapakabanal muna raw siya, pero bago ‘yan, dadaan sila ng Paris for a short visit.

Hindi kaya sundan siya ni Ylmaz doon para makita ang mga anak nila? “No! Huwag naman. Ipapasyal ko ang mga kids and if he wants to see them, wait na lang niya kami sa Istanbul with my hidden cameras for E! channel.

Not when we visit Holy Land.  “Bringing my kids to Holy Land would be a very exciting experience for them sigurado. Kasi nga, iba yung feeling pag nandoon ka.

Kahit hindi ka Catholic, magkaka-goosebumps ka tiyak dahil iba ang feeling pag nandoon ka sa lugar where Christ was born, di ba? Kaya excited din ako sobra,” ani Ruffa.

Tinanong namin siya kung hindi ba sila magsasabay nina Hayden Kho and Dra. Vicki Belo. “No. Mauuna sila. March 30 yata sila aalis and will stay there for two weeks. Kami naman sa April 16 pa.

Nakakaloka nga si Dra. Belo, she is bringing with her her masahista. Bongga talaga siya, di ba? Gusto niya may tagaayos siya ng buhok niya when she’s out of the country.

Wala naman nang aayusin sa kaniya, di ba? Beautiful na siya. Pero kakaloka, she’s bringing her masahista. Rich talaga,” shares Ruffa with us.

Ang daming kuwento ni Ruffa lalo na sa set ng ginagawa nilang pelikula nina Coco Martin and Sarah Geronimo. Kasi nga, magka-share yata sila ng dressing room ni Sarah na katulad niya ay na-link din noon kay John Lloyd Cruz.

“Tahimik nga sa dressing room namin. Di ba madaldal ako? Pag magkasama kami ni Sarah, behave ako, quiet lang. Good girl, kasi nga nandoon si Mommy Divine.

She’s very nice naman to me. I am very careful with the words that I say, I don’t mention anything about boys baka mabuwisit siya sa akin. We talk about cooking, about organic things, about her garden – pero no boys!” sey ni Ruffa.

Anyway, excited na kami sa airing ng reality show ng kanilang pamilya sa E! channel, ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez, dito natin masisilip ang tunay na pamumuhay at relasyon ng Gutierrez clan na sobrang lapit sa puso natin pero hindi natin nakakasama 24 hours a day.

Mabait kasi ang pamilyang iyan kaya love namin. In fairness to Tita Anabelle na kilalang feisty but in real life, she’s one of the sweetest ladies I’ve ever met and known.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And the children, ang pinaka-crush ko actually sa kanilang boys ay si Richie Paul. I find him very gorgeous. Alam niya iyan, ‘no! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending