Daniel nagbanta sa may balak manligaw kay Kathryn
Hindi raw malaking problema ang relihiyon sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo, ayon kay Daniel Padilla sa isang interview. Iglesia ni Cristo kasi ang dalaga at Katoliko si DJ, pero wala naman daw itong kaso sa kanila.
Pero sey ni Daniel, “Hindi pa pwedeng pagdesisyonan ang bagay na yan.” Dagdag pa ng binata, si Kathryn lang ang babae sa buhay niya at wala nang iba pa, “Bakit ka pa manliligaw, hindi na tama yun di ba, parang binigay mo na ang sarili mo sa isang babae tapos manliligaw ka pa ng iba.”
Pero kung may ibang lalaking maglalakas-loob na pumorma kay Kathryn, “Okay lang naman, kaso masyado ng matigas yung lalaking yun kung manliligaw pa siya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.