Tax evasion vs Cedric Lee | Bandera

Tax evasion vs Cedric Lee

- March 28, 2014 - 03:11 PM


SINAMPAHAN ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang negosyanteng si Cedric Lee at ang kanyang kumpanya sa Department of Justice kahapon.

Ayon kay BIR commissioner Kim Henares, aabot sa P194.7 milyon ang kakulangan sa ibinayad na buwis mula 2006 hanggang 2009 ng kumpanya ni Lee na Izumo Contractors Inc.

Kinasuhan din sina John Ong, chief operating officer, at Judy Gutierrez Lee, finance officer, ng kumpanya. Sinabi ni Henares na nadiskubre na umabot sa P302.6 milyon ang nakuhang kontrata ng kumpanya ni Lee sa iba’t ibang local government units mula 2006 hanggang 2009, subalit nagdeklara lamang ito ng P76.22 milyon sa kanilang income tax returns sa kaparehong panahon.

“There is a gross underdeclaration,” ani Henares. Isa sa Lee sa mga inakusahan bumugbog sa komedyanteng si Vhong Navarro noong Enero.

PMA president tinuluyan ni Kim
Samantala, nakatakdang kasuhan ng tax evasion ng BIR si outgoing Philippine Medical Association president Leo Olarte dahil sa umano’y kakulangan sa pagbabayad ng buwis na aabot sa P2.93 milyon.

Ang pagsasampa ng kaso ay bunsod ng hamon ni Olarte kay Henares na kasuhan ang mga doktor na hindi nagbabayad ng tamang buwis kesa ilarawan ang buong propesyon ng medisina na binubuo ng mga mandaraya.

Sinabi ni Henares na nahaharap si Olarte sa mga kasong willfully evading declaration if income tax at deliberate failure to file income tax returns and VAT returns mula 2006 hanggang 2012.

Ani Henares, si Olarte ay isang doktor at abogado na nagtuturo sa FEU at UE.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending