Dumiskarte nang sarili (2) | Bandera

Dumiskarte nang sarili (2)

Dodie Gonzalez - March 28, 2014 - 03:44 AM

Sulat mula kay  Alma ng Surigao City
Problema:
1.      Binaha na naman kami.  Madalas na kaming ulanin kaya mahirap na ang buhay dito.  Nawalan ng trabaho ang ama ko kaya sinabi sa akin ng aking mga magulang na hindi na ako makapag-aaral.  Hindi rin sila nakakuha ng scholarship kay mayor.
2.    Bagaman maraming pagkain dito ay tumataas na rin ang presyo ng mga ito.  Meron kaming konting sinasaka kaya imbes na nakatunganga sa bahay ay sinabi sa akin ng aking mga magulang na tumulong muna sa bukid.  Katatapos ko lang ng first sem at hindi na mag-aaral sa second sem.  Pangarap kong maging nurse para makapag-abroad.  Matutupad kaya ang pangarap ko?
Umaasa,
Alma ng Surigao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa pamamagitan ng sarili mong kayod at pagsisikap ay makakatapos ka ng pag-aaral. Isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus ang mag-alok sa iyo ng trabaho.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang babaeng magbibigay sa iyo ng trabaho ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Siya ang makatutulong sa iyo para maging working student ka sa susunod na semester.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na maliit at medyo chinita ay nagsasabi na isang lalaking medyo payat na matangkad ang iyong magiging boyfriend. At ang boyfriend mong ito ay makatutulong din sa iyong pag-aaral.
Color Test:
Upang mangyari ang lahat ng pag-aanalisang inilahad na sa itaas, may tutulong sa iyo upang makatapos ka ng kolehiyo, lagi kang magsuot ng kulay berde at powder blue. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.
Biorhythm Chart:
Umangat naman ng husto ang Biorhythm Chart ng Career at Pag-ibig sa taon 2017. Sa nasabing panahon ay makakatapos ka ng college at makalipas ang isang taon ay makapag-aasawa ka ng isang professional. Sa nasabing pag-graduate sa college at pag-aasawa ay magsisimula ka na ring umunlad at makabuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Huling payo at paalala:
Alma, nakahanda na ang susuungin mong kapalaran: magiging working student ka, makakatapos ng college sa kursong Accountancy hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng professional na lalaki hanggang sa  magkaroon ng maunlad at  maligayang pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending