Marian ayaw nang patulan si Heart: Ayoko na kasi ng Nega!
SI Marian Rivera na yata ang pinakamagandang Pinay actress na nakita ko to date. Her looks compliment her personality – very stable and may class.
Kaya lang, seems like she’s truly misunderstood, may iba ang akala ay suplada siya pero sa totoo lang, she’s the sweetest girl ever lalo pag close ka sa kaniya.
Hindi siya kasi plastik na babae – pag gusto niya, gusto niya pero pag ayaw naman niya, tahimik na lang siya. Huwag mo lang siyang bastusin at makakatikim ka talaga sa kaniya ng one-liner.
Ha-hahaha! Ganyan ka-real si Marian. Kahit ako noon, akala ko’y bad girl ang batang ito. Medyo matagal ko rin siyang pinipitik noon. I may say that I was slightly unfair to her before dahil pitik ako nang pitik sa kaniya without getting her side in most of my stories of her.
Kasi nga, a lot fed me nasty things about her. But when I got the chance na makausap siya, unti-unting nagbago ang pakikitungo ko sa kaniya. I’ve learned to like her – and love her pa kamo na parang isang anak-anakan ko na.
Masarap na friend si Marian – she is always on the go. Nakakatawa nga ang batang iyan eh, alam niyo namang I have a radio program sa DZMM at 10 p.m. on weekdays with Papa Ahwel Paz and DZMM is with ABS-CBN while Marian works for GMA.
May pagkakataong nagti-text sa akin iyan ng simpleng, “I am watching your show, Tito Jobert. Please greet me.”
Aliw na aliw ko siyang babatiin – natutuwa ako dahil for someone sa stature of being a super-sikat na Marian Rivera ay nagpapabati sa radio show namin.
Ang cute, di ba? Ganyan kababaw si Marian. And during some important occasions she always remembers – she texts para bumati at nagpapadala pa ng regalo.
Nakakatuwa, di ba? Unlike some stars na halos isugal mo ang buhay mo sa kanila pero pag bumongga na ang career, sumagot-dili sa text or calls mo. But not Marian.
She never turns her back on friends and people she truly care for. Anyway, a few weeks ago ay nakasama namin si Marian over lunch para sa endorsement niya ng isang fabric conditioner.
After ng question and answer portion, she table-hopped and made chika with many of us sa entertainment media. Nakikipagharutan din iyan pag nagka-chance. She’s very real.
Nu’ng isang araw naman ay dumalo kami sa panibagong endorsement niya for Biofitea ng Diamond Laboratories, isang slimming tea na bagay na bagay sa kaniya dahil she’s very sexy – walang tiyan.
Fit na fit ang katawan and very beautiful tala ang fez. And game na game niyang sinagot ang mga daring questions thrown to her by the press – most especially sa tanong about her feud with Heart Evangelista.
Ayaw daw niyang patulan ang isyung iyon because she finds it very negative. Next question please daw. Di ba, hindi siya nagpaligoy-ligoy. Say talaga niya ang nasa puso niya without being rude.
Ang Diamond Laboratories, na manufacturer nitong Biofitea ay pag-aari pala ng mga Cabrera whose son ay kabarkada ng mga old friends naming sina Bebong Muñoz and Dudu Dee.
Nagkita kami sa planta ng Diamond sa luncheon na iyon for Marian.Grabe ang pagsalarawan nina Dudu and Bebong kay Marian – perfect endorser daw siya nito dahil she embodies the character na kailangan for such product.
We agree, 100%. And one thing about Marian – she patronizes the product herself. Hindi tulad ng ibang endorser na panay ang promote ng ine-endorse na products pero iba naman ang ginagamit o iniinom – mga imported naman.
Kaya wala akong bilib sa iba sa kanila. Si Kris Aquino tanungin n’yo kung lahat ng produktong ine-endorse niya ay ginagamit niya.Si Marian really uses the products that she endorses kaya she is very effective.
She knows what she is selling kumbaga. Anyway, we just love this girl. Kaya patronize na rin kami ng Biofitea dahil sa sobrang pagbilib namin sa endorser nila.
And mind you, isa si Marian sa merong pinakamaraming ini-endorse na products lately dahil her products sell. Very supportive siya sa mga events ng mga kompanyang nagtitiwala sa kaniya. Congrats, anak. Mwah!
Kumakain pa ba itong si Marian Rivera? Kasi nga, ang ganda-ganda ng katawan niya. Wala siyang puson. Yes, kumakain siya, hindi siya on super diet. I saw her eat sa luncheon for Biofitea.
Okay naman siya – maganang kumain. Nasa katawan yata talaga niya ang pagiging sexy. Naturalesa niya kumbaga. But of course, she chooses nga lang the food that she eats, yung hindi gaanong nakakataba.
I’m definite that she exercises regularly to keep fit. Grabe ang sexy photos niya sa FHM, hanep! Kaya hindi na kami nagtaka nung marinig naming siya ang pinakamatagumpay nilang cover girl.
No one comes close second. Sabi ni Marian, malaking bagay raw talaga sa kaniya ang makakuha ng enough sleep. Iyan ang isa sa mga sikreto niya.
Kaya kita niyo naman ang pag-glow ng kaniyang mukha. And healthy talaga siya. “And positive vibes, Tito,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.