Andre Paras nahiyang ipakita sa press ang dibdib at abs | Bandera

Andre Paras nahiyang ipakita sa press ang dibdib at abs

Ervin Santiago - March 24, 2014 - 03:00 AM


Nagtilian ang entertainment press nang ipakita ng young actor at dating PBB grand winner na si James Reid ang kanyang muscles at abs.

Walang arte-arteng hinubad ni James ang kanyang jacket sabay taas sa kanyang sando, kaya bumalandra sa mata ng mga imbitadong showbiz reporters ang kanyang magandang katawan.

Hiniling kasi sa bagets na ipasilip ang kanyang delicious body matapos ipalabas ang trailer ng pelikula nilang “Diary Ng Panget The Movie” sa nakaraang presscon nito.

Kaya naman kinantiyawan din ang isa pang bida sa movie na si Andre Paras na kung pwede ay hubarin din niya ang kanyang pang-itaas para ipakita kung meron din siyang abs at huwag magpatalbog kay James.

Pero sabi ng binatang anak ni Benjie Paras, “Sorry, hindi ako nakapag-gym ngayon, e!” At kahit na anong pilit ang gawin ng mga nasa presscon ay hindi bumigay ang baguhang aktor.

Hirit pa nito, “Para sa akin naman, I think, the people who know me, chubby. Ang impression ninyo ay surprise kapag nakita ninyo akong shirtless. Ang katawan ko po, it’s not like James. Ipo-post ko na lang. Abangan ninyo.”

Pero ayon sa direktor ng “Diary Ng Panget” na si Andoy Ranay, parehong nagpakita sina James at Andre ng kanilang hubad na katawan sa movie. “Hindi ako nagdamot. Nakaka-excite rin kasi eh!” naatawang sabi ni direk Andoy.

“Basta hindi ko kayo bibiguin. Ha-hahaha!” ang biro pa ng direktor pero inamin nitong medyo nahirapan siyang kumbinsihin si Andre na maghubad, “Sa totoo lang, mahaba ang proseso ni Andre bago niya tanggalin ang shirt niya sa eksena.

Push-ups. Makikita ninyo.” Showing na sa April 2 ang “Diary Ng Panget” kung saan kasama rin sina Nadine Lustre at Yassi Pressman. Uy, in fairness ha, cute na cute kami sa trailer ng bagong offering ng Viva Films na hango pa rin sa isang libro na talagang nag-trending dahil sa ganda ng kuwento nito tungkol sa apat na kabataang pinagtagpu-tagpo ng kapalaran.

Patok na patok ito sa mga estudyante dahil sa nakakaaliw at nakakabaliw ng mga eksena ng mga bidang karakter sa istorya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending