Ai Ai binabagyo ng swerte, pero malas sa lalaki? | Bandera

Ai Ai binabagyo ng swerte, pero malas sa lalaki?

- December 14, 2011 - 03:16 PM

Waging-wagi talaga si Ai Ai delas Alas this year bilang Best Actress sa iba’t ibang award-giving bodies dahil sa matindi niyang performance sa 2010 MMFF entry niyang “Ang Tanging Ina N’yong Lahat! (Last Na ‘To)!”

Sa nakaraang FAMAS Awards, hinamig muli ni Ai Ai ang Best Actress trophy mula sa award giving body nu’ng Sabado na ginanap sa National Commission on Culture & Arts.

Hindi niya inakalang ang komedyanang katulad niya ay bibigyang-pansin ng award-giving body.

Sa totoo lang, sa listahan ng FAMAS Best Actress winners mula nu’ng namahagi sila ng awards noong 1952, si Ai Ai ang kauna-unahang komedyana na ginawaran ng Best Actress award, huh!

“Siyempre, unexpected ko ang sa akin ibinigay ng FAMAS ang Best Actress Award. Kumbaga, nagkaroon pa ako ng huling hirit sa ending ng 2011.

FAMAS is FAMAS, di ba? Kahit ano pa ang sabihin nila! Thank you, Lord!” bulalas ni Ai Ai sa rekognisyong muli na iginawad sa kanya.


Pangatlong Best Actress trophy na ng Comedy Concert Queen cum Box-Office Queen ang ibinigay ng FAMAS. Una siyang hinirang na pinakamagaling na aktres sa 2010 MMFF.

Sinundan ito ng Star Awards for Movies ng PMPC. Bukod pa ‘yan sa back to back acting trophies niya sa Star Awards for TV bilang Best Drama Actress sa performance niya sa Maalaala Mo Kaya” at Best Comedy Actress sa sitcom nila ni Aga Muhlach na Malay Mo, Ma-develop.

Pero sa MMFF entry nina Ai Ai at Vic Sotto na “Enteng Ng Ina Mo,” ayaw isipin ng komedyana na madu-duplicate niya ang feat na hinirang siyang Best Actress ng festival.

“Ang mag-number one sa takilya ang gusto naming mangyari sa pelikula. Pure fun ang movie at gusto kong mag-enjoy ang buong pamilya habang nanonood.

Hindi na ako naghahangad ng akting award pero kung ibibigay sa akin again, bakit ko naman tatanggihan ang grasyang ‘yon? Ha-hahaha!” katwiran ni Ai Ai.

Tunay ngang memorable ang 2011 kay Ai Ai pagdating sa kanyang acting career. Regular pa rin siyang napapanood sa My Binondo Girl ng ABS-CBN, tinatangkilik pa rin siya bilang endorser at mabentang-mabenta bilang concert performer!

Walang kasing katulad si Ai Ai na mababa ang kalooban, marunong tumanaw ng utang na loob at hindi nakakalimutan ang mga taong unang nakatulong at nagtiwala sa kanya bilang isang magaling na artista at komedyana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kulang na lang talaga sa buhay ni Ai Ai ay isang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay at walang halong kasinungalingan! Alam n’yo na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending