Kris gagawin lang ‘bakla’ ni Daniel Matsunaga
KULANG na lang ay aminin ni Kris Aquino na merong something between her and Daniel Matsunaga. Matagal na naming naririnig na meron talagang namamagitan sa dalawa – more than a year ago pa and someone even whispered to us na sa abroad pa sila nagkikita.
Siyempre, hindi namin ma-confirm ito dahil wala namang source na makapagpakita ng ebidensiya na magkasama sila abroad kaya hanggang haka-haka lang tayo.
Pero lately, seems like nagiging vocal na si Kris sa kaniyang adulation kay Daniel. Pinupuri na niya ito lalo na doon sa anggulong naka-bonding na ng anak niyang si Bimby sa kanilang recent Palawan trip for KrisTV.
Dito na naman nakaisip si Kris ng pang-emote na item – na kesyo sana raw ay mag-effort naman si James Yap na maka-bonding ang kaniyang anak in their usual masculine way.
Kasi nga, hindi niya raw talaga kayang gampanan ang role bilang ama sa kaniyang mga anak kahit gaano niya ito kamahal. In short, pinupuri nga ni Kris si Daniel sabay laglag naman kay James.
“Ano ba iyang si Kris. Dati bugbog-sarado si James sa mga negative comments niya then suddenly ay pinuri niya ito. For a while ay pinahirapan niya si James sa visitation rights nito kay Bimby.
Pero months later ay naiba naman ang ihip ng hangin. Bigla siyang bumait kay James. Kesyo naaalala pa niya yung mga times na happy pa sila together, bait-baitan na siya mula nang lumutang ang balitang she is running sa 2016 elections.
“Hindi ba’t na-mention pa niya sa interview yung tungkol sa pagreregalo sa kaniya noon ni James ng Birkin bag and all? Na parang na-miss niya ang kaniyang ex-husband.
Ngayon ay parang buwisit na naman siya, si Daniel Matsunaga naman ang pinupuri niya. Sa palagay mo ba’y papatulan siya ni Daniel kung hindi siya si Kris Aquino – na mayaman, maimpluwensiya and everything?
“Diyos ko, ang Brazilian na iyan ay flop dito sa Pilipinas, hindi pa nga makapagsalita ng straight Tagalog at para mabuhay nang mariwasa, kailangan niya ng isang madahtung na karelasyon.
Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa, Kris may just be the answer sa mga pangangailangan niya. Sana nagkakamali ako pero iyon ang basa ko.
For sure ay gagamitin lang iyan ni Daniel, much more ay dadatungan niya si Kris dahil wala naman siyang ibang pinagkikitaan dito. “Artista nga siya pero manaka-naka lang namang magka-project.
Either isama siya ni Kris sa maraming projects niya para mabuhay siya. Sa pagdikit pa lang ng pangalan niya kay Kris ay puwede na niyang ma-translate ito to sales, marami tiyak ang kukuha sa kaniya for jobs dahil si Kris ang mag-i-endorse sa kaniya. Believe me,” anang isang observer/friend naming nasubaybayan ang karera at lovelife ni Kris.
“Why blame Daniel? Kasalanan ni Kris iyan kung halimbawa ma’y gamitin siya ni Daniel. Gusto niya ng guwapo kaya mag-invest siya. Tiyak na gagawing baklita ni Daniel iyan pag nagkataon.
Ang tanging puhunan lang dito ni Daniel ay ang kaguwapuhan. Kaya huwag siya ang pagdiskitahan ninyo – si Kris ang may gusto niyan kaya hayaan natin siya kung mahurot siya ng lalaki,” sabi naman ng isang nais ipagtanggol kunwari si Daniel pero singing the same tune pa rin.
Bakit ba? Huwag niyong kainggitan si Kris – kung kayo ba sa lugar niya ay hindi niyo rin gagawin ang ganoon? Kani-kaniyamg trip sa buhay iyan, ‘no! Huwag tayong judgmental – it’s a choice for her to make.
Kung masaya siya sa ganoon, why not? Ganyan din kasi kaming mga bading, hangga’t me pang-give, go lang. Basta ba happy kami, di ba? Kaya nga tayo nagpapakahirap magtrabaho para maging masaya.
Kung masaya si Kris sa piling ni Daniel, kebs naman natin. Bakit hindi natin sila pabayaan. “Akala ko ba ay meron siyang sandamakmak na manliligaw?
Kesyo merong ganitong foreigner na nababaliw sa kaniya, na meron ding isang mayamang medyo may edad na nga lang na lalaki na masugid na nanliligaw sa kaniya pero in the end ay iniwan din siya.
Saan na ba ang mga iyon? Guni-guni lang ba ang lahat ng iyon para iligaw ang mga tao dahil ang totoo ay sila na ni Daniel Matsunaga? Nakakatawa itong lola Kris niyo talaga.
Magaling magpaikot ng tao,” ang comment muli ng unang kausap natin. Naku, please lang, itigil na ang debateng iyan! Tama na! Sobra na! Palitan na! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.