Vice hindi nakatiis, nagmakaawa na kay Sen. Miriam | Bandera

Vice hindi nakatiis, nagmakaawa na kay Sen. Miriam

Alex Brosas - March 20, 2014 - 03:00 AM


SA KATAPUSAN ng buwan ang kaarawan ni Vice Ganda at tila iisa lang ang kanyang birthday wish – ang makasama si Sen. Miriam Defensor Santiago sa kanyang show, ang Gandang Gabi Vice.

“My Birthday wish is to have #SenMiriamOnGGV,” tweet ni Vice recently.At hindi pa roon nagtatapos ang kanyang invitation kay Sen. Miriam dahil maging sa Facebook ay kumalat at naging viral ang video invite niya sa senator.

“Hi senator Miriam Defensor Santiago. Magandang araw po sa inyo. Ako po si Vice Ganda at sobrang iniidolo ko po kita. Sinusubaybayan ko po kayo noong unang-una ko pa lang po kayong nakilala bilang politiko at noong unang beses kayong kumandidato bilang president, eh, binoto ko na po kayo.

“Sana po, sana  ay mapagbigyan ninyo ang request namin na makapag-guest kayo sa Gandang Gabi Vice. Sobrang dami po ng viewers at supporters ng Gandang Gabi Vice na noon pa nagre-request na sana mapanood kayo sa programa namin,” sabi ni Vice.

“Isa pong malaking karangalan para sa akin ang makasama kayo sa programa iyon bilang iniidolo ko kayo. Isa po kayo sa talagang hinahangaan ko.

Napakahusay n’yo po at sinusuportahan ko po kayo ever since kaya sana po ay makasama ko kayo sa GGB,” dagdag pa niya.
“More power po sa inyo.

Sana po ay magkaroon ng pagkakataon na maisingit sa napaka-busy ninyong schedule  ang paggi-guest n’yo sa programa namin. I love you senator. God bless you!” sey  ng popular stand-up comedian and TV host.

Sana nga’y mapagbigyan ni senator Miriam ang wish na ito ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending