Vice Ganda, Billy, Vhong suki na ng MTRCB | Bandera

Vice Ganda, Billy, Vhong suki na ng MTRCB

Ambet Nabus - March 19, 2014 - 03:00 AM


NAGING panauhin namin noong Linggo ng gabi sa programa naming “Chismax” sa DZMM si Atty. Toto Villareal, ang ating MTRCB chairman at nagbigay nga siya ng update tungkol sa mga bagong gawain ng kanilang ahensya.

Bahagi kasi ng kanilang “matalinong panonood” campaign (hindi lang sa TV) ang mamahagi ng impormasyon hinggil sa MTRCB kasama na ang personal na pagbisita sa mga sinehang nagtatanghal ng malalaswang palabas, at mga bus at ferry boats na nagpapalabas din ng mga pelikula habang bumibiyahe.

Masaya at matalinong kausap si chairman Toto na isa rin palang Law professor sa Ateneo de Manila University. Napakaliberal din nito, malaki ang paniniwala niya sa mga dialogues at pagbibigay ng sit-down lecture (imbes na magsuspinde) sa mga naghahangad makakuha ng tamang orientation sa mga dapat at di dapat saklawin ng mga programa o mismong hosts ng shows.

Partikular niyang binanggit ang grupo ng It’s Showtime ng ABS-CBN gaya nina Billy Crawford, Vhong Navarro at Vice Ganda na madalas palang dumadaan sa kanilang tanggapan, “Sila na mismo ang nagkukusang makipag-usap sa amin tungkol sa mga do’s and don’ts at iba pang concerns on hosting,” sey ni Atty. Villareal.

At dahil “mas responsable” na ngayon ang mga unit heads, producers at iba pang involved sa TV production, masasabi raw niyang matiwasay at maganda ang relasyon ng ahensya sa mga ito.

Kaya nga raw mas pinagtutuunan nila ngayon ang paglilibot sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mas personal na pakikipag-meeting sa mga taong involved sa “outdoor cinema” at pagbibigay ng edukasyon sa mga ito para mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa mga panuntunan ng MTRCB.

Naging topic din namin ng partner kong si Gretchen Fullido ang ginawa niyang interview kay Sarah Geronimo, “Summer na,” ang simple daw nitong tugon sa tanong kung bakit nga ito nagpaiksi ng buhok.

Maliban nga sa pagiging busy nito sa shooting ng movie nila ni Coco Martin at mga endorsements, wala na raw ibang ibinahagi si Sarah.

Pero nang kunan daw niya ito ng reaksyon hinggil sa naging pahayag ni Matteo Guidicelli na, “She’s hot and so sexy and beautiful,” sa bago nitong hairstyle, kitang-kita raw ang pagkakilig nito sabay dialogue ng, “Napanood ko yun!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending