Nanay ni Gerald mas boto pa rin kay Kim kesa kay Maja | Bandera

Nanay ni Gerald mas boto pa rin kay Kim kesa kay Maja

Ambet Nabus - March 16, 2014 - 03:00 AM


Naniniwala kami sa tinuran ni Gerald Anderson na hindi ang tipo ng nanay niya ang magbabawal o magdidikta sa kanya ng gusto nitong babae para sa anak.

Kilala rin namin at laging nakakausap si Mommy Vangie (Mrs. Evangeline Opsima) at kahit napaka-vocal nito sa pagsasabing close na close siya kay Kim (Chiu) at nababaitan siya sa aktres since day one, lagi rin nitong sinasabi na hindi niya madidiktahan ang anak pagdating sa love.

Noong maging magkarelasyon sina Ge at Maja (Salvador) at nagkaroon ng lamat ang relasyon ng anak kay Kim, nagpahayag ng kalungkutan si Mommy Vanj pero tandang-tanda namin ang sinabi nitong, “susuportahan ko siya sa kung sino at saan siya masaya.”

Though nalagyan ng malisya ang tila hindi raw masyadong “mainit” na pagpapakita nito ng pagkagusto kay Maja noong magsalita ito recently para sa birthday ni Gerald, alam naming nagpapakatotoo lang ang mabait at masayahing nanay ng hunk actor.

Hindi naman ibig pakahulugan nu’n na hindi na nya gusto si Maja dahil kahit noon pa, kung gusto talaga nitong makialam, eh matagal na sana niyang ginawa.

Kaya ang sey na lang ni Gerald, “Let it go, hintayin na lang natin yung time na genuinely ay sila talaga ang magba-bond dahil gusto nila at hindi lang nang dahil sa akin.” Dito namin mas  lalong hinangaan at nirespeto ang aktor na soon ay bibida na uli sa primetime bilang leading man ni Anne Curtis sa Dyesebel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending