Janelle Manahan gustong harapin si Ramona Revilla | Bandera

Janelle Manahan gustong harapin si Ramona Revilla

- December 12, 2011 - 02:57 PM

Matindi ang inabot ni Janelle Manahan nu’ng mabaril siya nang paslangin ang kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla.

Hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin sa kanyang itsura ang paghihirap, namamaga pa rin ang buo niyang mukha, hirap na hirap siyang magsalita dahil sa mga pinagdaanan niyang operasyon.

‘Yun ang ikinatatakot ngayon ng mga tunay na salarin sa likod ng naganap na krimen, nabuhay si Janelle at handang isiwalat ang kanyang nasaksihan nang patayin ang kanyang karelasyon, ‘yun ang nagbibigay nang matinding bangungot ngayon sa mga totoong may pananagutan sa krimen.

Ayon kay Janelle Manahan ay hindi pa siya handang makipagkita ngayon kay Genelyn Magsaysay, ang gusto niyang makaharap muna ay si Ramona Revilla, gusto raw niyang tanungin kung bakit ibang-iba ang nilalaman ng sinumpaang salaysay nito sa kanyang affidavit.

Makahulugan ‘yun, parang sinasabi na rin nang patagilid ni Janelle na bakit ganu’n, pareho naman nilang alam ang katotohanan pero bakit iba ang mga inilalabas na kuwento ni Ramona?

Malinaw naman ang kanyang pahayag, nu’ng kumatok si Ramona sa kuwarto ni Ramgen ay siya ang nagbukas ng pinto, nakita niya ang dalawang nakamaskarang lalaki sa likuran ni Ramona na biglang pumasok sa kuwarto at saka sila pinagbabaril ni Ramgen.

Unang tanong ng kanyang abogado, “Bakit hindi rin siya sinaktan nu’ng mga nakamaskarang lalaki, samantalang witness din siya kung tutuusin? Bakit hindi man lang niya tinulungan ang nakahandusay niyang kapatid, samantalang iisang dugo lang naman sila?

“Bakit hindi siya tumawag ng ambulansiya sa kabila ng pagsusumamo ni Janelle? Ang dami-daming tanong na dapat sagutin ni Ramona, marami siyang dapat ipaliwanag, kaya dapat lang siyang umuwi para harapin ang problema,” litanya ng pinagkakatiwalaang abogado ni Janelle Manahan.

Pagkatapos magsalita ng abogado ni Janelle ay maiiwan kang nakatingin lang sa malayo, nag-iisip nang malalim, kasabay ang reaksiyon na oo nga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending