Kris imposibling maging dyowa ni Gov. Abet, naggagamitan lang
I’VE been to Bataan a couple of times and in one of those visits, I’ve been to Gov. Abet Garcia’s place nu’ng dinala ko roon si Carlo Aquino for a motorcade.
Di ko lang matandaan kung yung kinainan naming bahay ay pag-aari ng gobernador or what. But we were treated so well by the family.
The next time I went there ay nang mag-perform ang ilang artists na dala ko roon sa imbitasyon ni kaibigang Jeffrey Gonzales – isang pagtitipon ng partido nina Gov. Abet. He met up kasi with some of the councilors and barangay officials ng Bataan.
I saw Gov. Abet again. He’s very amiable – napaka-humble ng dating. Guwapo ito at mestisuhin. And mind you, very rich ang family nito. As in!
Pero marami akong nakausap doon na imposibleng maging magdyowa sina Kris Aquino and Gov. Abet Garcia for some specific reasons. Kung anuman iyon ay personal na raw but definite daw ang mga taga-Bataan na malabong mangyari ang love affair ng dalawa.
“For sure ay ginagamit lang nila ang isa’t isa. Kasi nga, di ba balitang-balita that Kris is running for a national position sa 2016? Ayon, kinakaibigan niya ngayon si Gov. Abet for sure para makuha ang boto ng Bataan.
Idinadaan nila sa drama ng ligawan gayong wala naman talaga. Kilalang-kilala ng mga taga-Bataan si Gov. Abet – better ask for yourself kung bakit,” paniguro ng kausap namin.
Ayaw talaga niyang i-reveal ang dahilan kung bakit sigurado siyang hindi puwedeng maging magsyota ang dalawa – ibinulong niya sa akin kung bakit. Napahalakhak ako nang malakas.
Kaya naman pala. Now, I understand. Ha-hahaha! “Itong gobernador naman namin, siyempre, gusto rin ng libreng mileage. Ayaw pa ba niya ng ganoon, napag-uusapan siya by no less but Kris Aquino herself.
Alam niyo naman pag merong sinabi si Kris especially sa media, talagang isyu agad. My gosh! Hindi na sila nahintakutan. Hindi ba marunong tumayo ang mga balahibo nila sa pinalalabas nilang balita?
“Ito namang si Gov. Abet, sakay naman nang sakay gayong alam naman nilang hindi totoo ang pinapalutang nilang isyu about Kris. Sana ay huwag na lang nilang linlangin ang publiko, alam naman nila sa mga sarili nilang malabong maging sila, ‘no!
Hindi na sila naawa sa publiko, they love taking them for rides,” anang isa pang nabubuwisit sa balita. Nang malaman ko ang sinasabi nilang dahilan kung bakit hindi raw talaga puwedeng maging sina Gov. Abet at Kris, tumayo rin ang balahibo ko.
Hindi ko ma-imagine. Kaya the best reaction dito ay deadma at simpleng kibit-balikt sabay tingin sa sky, di ba Tito Bong de Leon? Ha-hahaha! Look ka na lang sa sky. Iyon na iyon.
I don’t also understand why Kris Aquino seems to always want to hit the headlines. Kailangan ba talagang may isyu sa kanya every week? What for? To sustain her popularity? Mortal pa ba ang babaeng ito? I consider her a publicity icon, grabe sobra.
Dahil sa balitang tatakbo siya as VP sa 2016 elections with Mar Roxas, bait-baitan bigla ang drama niya sa media. Pati si James Yap na dating kinamumuhian niya ay kinakaibigan na niya ngayon.
Yung mga drama niyang naalala niya echos yung mga times na sila pa ni James, nu’ng panahong niregaluhan siya nito ng kung anik-anik. Marunong talaga ang babaeng itong gamitin ang media for her own purpose.
Ganyan din siya noong tumatakbong pangulo ang kuya niyang si P-Noy, bait-baitan sa lahat. Panay ang regalo ng kung anu-ano, panay ang pakipagkamay sa mga tao sa buong bansa.
Ikot dito, ikot doon. Pero pag walang eleksiyon, deadma siya. Kulang na lang ay insultuhin lahat ng nais magpa-picture sa kaniya. Pero pag malapit na ang eleksiyon, gosh! She offers pa herself para kiyemeng mabait sa taumbayan!
Wala akong bilib sa babaeng ito. Magulo siyang sundan. Hindi mo alam kung ano talaga ang trip sa buhay. May times na mabait pero may times na hindi.
Gusto niya lahat sa paligid niya ay inaamo siya – mga “YES MA’AM GIRLS” kumbaga. Ayaw niyang may kumukontra sa kaniya unless you are her manager or elder sister.
Pero kapag ordinaryong tao ka lang, hasus – good luck. Feeling niya kasi, lagi siyang tama. Kaya tama na ang ganitong style niya, one day ay pagsisisihan na naman natin pag pinaupo pa natin siya sa politics.
Nakita niyo naman kung paano mamahala ang malamya niyang kuya. Kulang sa gawa, puro salita. Hindi ba’t recently lang ay nakahanap siya (P-Noy) ng katapat nu’ng dumalaw siya sa isang eskuwelahan, ang mga estudyanteng nagtanong kung bakit ganoon ang ginawa niya sa Tacloban when Yolanda hit the province. He apologized to the students nang gisahin siya ng mga ito.
Kung mapanood niyo ang said link doon – maiiyak kayo. Mararamdaman ninyo ang pain na lumabas sa mga bibig ng dalawang kabataang estudyante.
Parang ganyan ang mga Aquino kaya ingat na lang tayo sa susunod na eleksiyon. Kris seems to have started to campaign for herself silently. Pasimple pero buko naman.
Kaya Gov. Abet – okay lang na maggamitan kayo. Prove us wrong kung gusto ninyo – aminin niyong magsyota kayo in public pero dapat panindigan ninyo. Kung papaano, kayong dalawa lang naman ang nakakaalam, di ba? Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.