TV5 reporter pinagtulakan ng 'bodyguard' ni Piolo | Bandera

TV5 reporter pinagtulakan ng ‘bodyguard’ ni Piolo

- December 12, 2011 - 01:39 PM


NAKARATING sa amin na ang TV5 reporter at radio host ng Aksyon TV na si Laila Chikadora ay ilang beses nasiko at nadunggol sa likod at harap ng mga marshal ng Sunlife na ineendorso ni Piolo Pascual.

SA nakaraang unveiling daw ng mga larawan ni Piolo sa Sunlife building sa The Fort nu’ng Sabado ay naging marahas na naman ang mga marshal sa media tulad ng naranasan namin nu’ng nakaraan nilang presscon .

Hinabol daw ni Laila si Piolo sa may elevator para interbyuhin pero hinarang daw siya ng dalawang security na ipinagtulakan pa habang nakatingin lang daw si Piolo at sumasara ang pintuan ng elevator.

Galit na galit si Laila ayon sa mga katotong nakakita dahil ginagawa nga lang naman niya ang trabaho niya pero ano ang napala niya? Para naman daw may masama siyang  balak kay Piolo.

Hindi naman magiging ganito karahas ang marshals kung wala ring go signal si Piolo dahil puwede naman niyang pigilan ang mga ito habang pinagtutulakan ang lady reporter.

Good thing kasama pala ang Star Magic head PR na si Thess Gubi at siya na mismo ang humingi ng dispensa kay Laila at marahil sinabihan din si Piolo kung ano ang gagawin dahil nu’ng umakyat na raw ang aktor ay humingi ng sorry at niyakap ang TV5 reporter.

Napansin namin ito nu’ng una ring presscon ng Sunlife na tila dedma lang ang aktor sa marshals na humahawi sa media na akala mo mga wrestler dahil dedma sila kung saan kami tamaan.

Idinaan daw ni Laila sa biro ang nangyari, “Kaya pala binigyan ng life insurance ang press na nag-cover ng event kasi ganito ang mararanasan nila sa mga security nila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending