Ai Ai ilang beses ‘sinunog’ ni Kris | Bandera

Ai Ai ilang beses ‘sinunog’ ni Kris

Cristy Fermin - March 14, 2014 - 03:00 AM

AI AI DELAS ALAS AT KRIS AQUINO

Kauna-unawa ang mga ginagawa ngayon ng Comedy Concert Queen kapag si Kris Aquino na ang napag-uusapan at itinatanong sa kanya. Sa halip na magsalita ay tumatahimik na lang si Ai Ai delas Alas, iniiba niya ang usapan, ni isang salita ay ayaw niyang ikomento tungkol sa dati niyang BFF.

Napaso na kasi si Ai Ai kay Kris, maraming beses na kasi siyang sinusunog ng dati niyang kaibigan, tulad na lang sa naging away nila ni James Yap na si Kris ang pinagmulan.

Namamahinga nu’n si Ai Ai nang tumawag si Kris, humihingi ng payo sa kanya ang aktres-TV host, ano raw ba ang gagawin nito dahil napakaraming ginagawa ni James na hindi nito nagugustuhan? Pinakinggan ni Ai Ai ang kanyang mga hinagpis, naintindihan ng komedyana ang pinagdadaanan ni Kris, kaya bilang kaibigan ay sinabihan niya ito nang pabiro na ibalik na lang ni Kris si James sa nanay nito.

Patay kang bata ka! Nang magkasundo uli ang mag-asawa ay naipit si Ai Ai sa sitwasyon, ipinagkanulo siya ni Kris, kaya nagalit si James kay Ai Ai. Tinulungan na nga niya si Kris ay siya pa ang naipit at inaway ng basketbolista.

Pero ang pinakahuli ay nang mamayapa ang dakilang ina ni Ai Ai, matindi ang sentimyento ng komedyana dahil sa mga panahon nga namang nagluluksa tayo, ang unang-una nating inaasahang makikisimpatya sa atin ay mismong malalapit nating kaibigan.

Pero nabigo si Ai Ai, ni ha ni ho ay wala siyang narinig-natanggap mula kay Kris, ni bulaklak nga ay hindi nakapag-isip ang aktres-TV host na magpadala sa lamay, walang-wala talaga, as in!

Kaya para makaiwas siya sa intriga ay hindi na lang siya nagsasalita tungkol kay Kris, magsalita man kasi siya ay lalabas namang napakaplastik niya, dahil ang lahat ay hindi naman nagmumula sa kanyang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending