Lloydie ‘sariwa’ pa ang mga sugat sa mukha, maga pa rin ang ilong
KITANG-KITA pa sa mukha ni John Lloyd Cruz ang mga pasa at gasgas sa mukha na tinamo niya sa aksidenteng while doing the summer station ID of ABS-CBN. Nakatsikahan namin siya sa backstage ng 30th Star Awards for Movies sa Solaire last Sunday.
Mamula-mula pa ang isang area sa pisngi niya sa bandang ilalim ng mata at namamaga pa ‘yung nasa ilalim ng ilong malapit sa labi niya pero natatakpan ng bigote kaya ‘di masyadong halata. Sa malayuan di mapapansin na may pinagdaanan si Lloydie. Pero kapag malapitan kitang-kita ang sakit na idinulot ng kinasangkutang aksidente.
“Nakasakay ako sa bike nu’ng may mabangga tapos tumilapon ako,” kwento ni Lloydie sa amin.
After the accident, dinala raw siya sa ospital for immediate treatment. Pero hindi raw siya nagpa-confine, “Sa bahay lang ako and nag-take ng antibiotics,” lahad ni Lloydie.
Almost two weeks daw siyang nagpahinga sa bahay and a day before the Star Awards ay nagtrabaho na ulit siya. Nakapag-taping na siya ulit para sa show nila ni Toni Gonzaga.
Tinanong namin si Lloydie kung inalagaan ba siya ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban, heto ang sagot niya na pagkatamis-tamis, “Oo naman.”
Pero kahit naaksidente sa pagba-bike, hindi naman daw siya na-trauma na sumakay muli ng bisekleta, “Ah, hindi naman. In fact, paggaling ko nag-bike agad ako,” pahayag ni Lloydie.
Isa si John Lloyd sa mga tumanggap ng pagkikila bilang isa sa mahuhusay na aktor sa Dekada Award ng 30th Star Awards for Movies. Ang pagdalo ni Lloydie sa gabi ng parangal ang kauna-unahan niyang public apperance.
Kasama niya na hanay ng mga aktor na napili para sa Dekada Awards sina Aga Muhlach, Jericho Rosales, Dennis Trillo, Baron Geisler at Piolo Pascual. Tanging si Jericho lang ang ‘di nakarating sa awards night. Busy na ang aktor sa paghahanda para sa wedding nila ni Kim Jones.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.