May magmamahal pa? | Bandera

May magmamahal pa?

Joseph Greenfield - March 13, 2014 - 02:02 PM

Sulat mula kay Nila ng Pastrana, Leyte

Dear Sir Greenfield,

Kabit lang ako at huli na ng nabisto ito ng madadaldal na mga kapitbahay ko. Sinasariwa ko na lamang ang masasayang sandali namin nang umuuwi pa ang lover ko. Hanggang sa dalawang beses na lang sa isang linggo siya kung umuwi. Hanggang sa hindi na siya umuuwi. Okey lang sana kung ayaw na niya, pero wala naman siyang ipinadadalang pera kaya nalilipasan na kami ng gutom. Nahihiya akong humingi ng pagkain sa mga kapitbahay. Hindi na siya nagte-text at tumatawag sa cell phone. Handa na akong tanggapin ang katotohanan na iniwan na niya ako. Sa edad kong ito ay may magmamahal kaya sa akin nang tunay? Huwag na ninyong ilathala ang birthday ko.

Umaasa, Nila ng Pastrana, Leyte

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang nauna ay nabiyak (arrow 1.) habang malinaw at mahaba naman ang ikalawa (arrow 2.). Tanda na sa ikalawang pag-aasawa, makatatagpo ka na ng panghabambuhay na ligaya.

Cartomancy:

Queen of Clubs, Jack of Diamonds, at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung may kaya sa buhay o mayaman ang una mong nakasama na may pamilya na, higit na mas mayaman ang isang binata na susunod mong mapapangasawa. Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending