Tina Paner, Sheryl Cruz magsasama sa bagong show ng TV5 | Bandera

Tina Paner, Sheryl Cruz magsasama sa bagong show ng TV5

Cristy Fermin - March 13, 2014 - 03:00 AM


Hanggang ngayong hapon pa ipalalabas sa Showbiz Police ang mahabang panayam namin sa dating teenstar na si Tina Paner. Nakatutuwang mag-interview ng mga artistang nasubaybayan mo ang pagtatagumpay, masarap balikan ang kanilang pagsisimula, tulad ni Tina Paner na bata pa ay lutang na lutang na ang pangalan sa mundo ng musika.

Hanggang ngayon ay tinutugtog pa rin sa mga FM stations ang kanyang piyesang “Tamis Ng Unang Halik”. Napakaganda naman kasi ng pagkakahagod ni Tina sa awiting ‘yun, ramdam na ramdam ng nakikinig ang kanyang emosyon, ang singer-composer na si Mon del Rosario ang gumawa ng kanta.

“Nu’ng i-record ko po ang song na ‘yun, e, may ginawa ang production para mas mabigyan ko ng emotion ang kanta. Pinatay nila ang lahat ng ilaw sa recording room, ang nakabukas lang, ‘yung spotlight na nakatutok sa patungan ng lyrics.

“So, habang kinakanta ko ‘yun, madilim na madilim, ramdam na ramdam ko ang song, nagustuhan ng mga record producers ang ginawa kong atake,” kuwento ng nagkakaedad nang singer-actress pero maganda pa rin hanggang ngayon.

Bukas na aklat na ang kanyang personal na buhay, pero hindi pa naidedetalye ni Tina Paner hanggang ngayon ang kuwento ng kanyang pagkatao, mapapanood ‘yun sa “Cornered By Cristy” ng Showbiz Police tuwing alas kuwatro nang hapon sa TV5.

Isang magandang katangian ni Tina Paner ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nagsakripisyo para mapalaki siya nang maayos. Tinatanaw niya ‘yun nang walang kuwestiyon kina Tito Manny Paner at Tita Daisy Romualdez.

Kapatid na rin ngayon si Tina Paner dahil ginagawa niya sa kasalukuyan ang Trinderas kasama ang kanyang kaibigang si Sheryl Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending