Dagmil diniin ang 2 PATAFA coaches | Bandera

Dagmil diniin ang 2 PATAFA coaches

Mike Lee - March 12, 2014 - 03:00 AM


LUMABAS kahapon si Southeast Asian Games long jump multiple gold   medalist    Henry Dagmil para idiin  ang mga PATAFA national coaches na sina Joseph Sy at Rosalinda Hamero.

Ayon kay Dagmil, na humarap sa mamamahayag sa pagpupulong na ginawa sa tanggapan ni PSC commissioner Jolly Gomez, pinabayaan umano siya ni Sy mula noong pumasok siya sa national team noong 2000.

Si Dagmil ay napabilang sa national team dahil kay Sy na  coach din niya  sa Mapua noon. “Since napasok ako sa national team noong 2000, wala siyang ibinigay na programa sa akin.

Halos on my own ako sa pagsa-sanay,” wika ni Dagmil. Aniya, nakuha lamang niya ang ginto sa Myanmar SEAG dahil sa sariling kayod at pakikipag-ensayo sa kapwa atleta.

Binanggit pa niya na mahirap magreklamo laban sa mga coaches na sina Sy at Hamero dahil “makapangyarihan sila at puwede nilang tanggalin ang mga pambansang atleta sa koponan.”

“Halos parang presidente na siya ng PATAFA lalo na noong hindi nagpupunta sa office si Mr. Go Teng Kok. Binantaan na rin niya ako na tatanggalin sa team,” wika pa ng 32-anyos na si Dagmil na nanalo ng ginto noong 2013 Myanmar SEA Games para isama sa kolekyon ng ginto sa 2005 Manila at 2007 Thailand Games.

Si Dagmil ang unang national athlete ng Philippine Amateur Track and Field Association na lumabas para pagtibayin ang desisyon ni Gomez na ipinatanggal sina Sy at Hamero bilang mga national coaches dahil nagpapabaya sa kanilang trabaho.

Ngunit apat na iba pa sa pangunguna nina coach Arnold Villarube at Jesson Ramil Cid na nanalo rin ng ginto sa Myanmar, ay naglabas ng affidavit na nagsasaad na hawak ni Sy ang kanilang ATM card dahil may pagkakautang sila rito.

Ayon kay Gomez, idadagdag niya ang bagay na ito sa mga akusasyon niya laban kay Sy. Inamin naman ni Dagmil na maging  siya ang kusang lumapit kay Sy para mangutang at ito  ay nabayaran na niya noong 2012. Agad namang ibinalik ng coach ang kanyang ATM card matapos siyang magbayad.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending