NAGHAIN ng temporary protection order suit ang GMA 7 actress na si Rhian Ramos laban sa kanyang ex-boyfriend na si Mohan “Mo Twister” Gumatay, ng TV 5.
Sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Lorna Kapunan, inihain ni Rhian ang apela sa Muntinlupa court upang mapigilan si Mo Twister sa paggamit ng media at mga social networking sites upang siya ay siraan.
Gusto rin ni Rhian na tigilan na ni Mo Twister ang pagtawag, pagti-text at pagpapadala ng e-mail sa kanya.
EMOTIONAL VIOLENCE
“He’s still trying to get in touch with her,” ani Atty. Kapunan. “Hopefully it will later become a permanent protection order.”
Sinabi ng abogado na nilabag ni Mo Twister ang Violence Against Women and Children Act (Republic Act 9262) na nagdulot ng “psychological and emotional violence” sa kanyang kliyente.
Sa video na nai-post online noong nakaraang linggo, sinabi ni Mo Twister na ipinalaglag ni Rhian ang bunga ng kanilang pagmamahalan dahil sa pagpupumilit ng mga nakatatanda sa industrya at kanyang pamilya.
Itinatanggi ni Mo Twister na siya ang nag-upload ng video.
Sinabi ni Rhian na nagdulot ng trauma sa kanya at kanyang pamilya ang ginawa ng dating kasintahan.
“More than what people have seen, I’ve been hurting over a longer period of time,” ani Rhian.
‘FINAL’ STATEMENT
Umaasa si Rhian na ngayong nakapagsampa na siya ng kaso ay matatapos na ang isyu at maipagpapatuloy na niya ang kanyang buhay.
Sa kanyang final statement na inilabas noong Linggo, humingi ng paumanhin si Mo Twister kay Rhian.
“I’m sorry … that our roller-coaster relationship ended the way it did … But I love you. I always have.”
Hindi naman binili ni Atty. Kapunan ang ginawa ni Mo Twister. “He’s very inconsistent. He professes love, but has made Rhian free game online.”
Humingi rin ng paumanhin si Mo Twister sa GMA Network na nauna ng nagbanta na magsasampa ng libelo laban sa kanya.
“The decision to have an abortion was not something the network instructed us to do,” aniya.
Pero isinisi naman ni Mo Twister ang pagpapalaglag ng aktres sa ina ni Rhian na si Clara at tiyahin nitong si Ida Ramos-Henares, ang head ng GMA Artist Center.
Ikinadismaya naman ito ni Atty. Kapunan at sinabi na idinamay pa nito si Clara na isang cancer patient.
“Rhian said that this is between the two of them. Mo shouldn’t involve other people in their quarrel,” ani Atty. Kapunan.
Giit ni Atty. Kapunan: “If he is not afraid of media, he should be scared of the legal repercussions. Some personalities create scandals because they want to become media sensations.”
“The problem with social networking sites [is that] people can easily deny any wrongdoing. But anything posted online can assume a life of its own.”
Umaasa naman si Kapunan na mamamatay na ang isyu sa lalong madaling panahon.
Dedma naman ang women’s partylist group na Gabriela sa isyu, pero kung hihingi ng tulong sa kanila si Rhian ay susuportahan nila ito.— Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.